Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Katapatan at Pagpipigil sa Sarili

Huwag mong basta-bastang pagbigyan ang lahat,
    at huwag kang sumang-ayon sa bawat sabihin ninuman.
Ganyan ang gawa ng mga taong sinungaling.
10 Magpakatatag ka sa iyong mga patakaran,
    at panindigan mo ang iyong sinabi.
11 Lagi kang manabik sa pakikinig,
    at maging maingat ka sa pagsagot.
12 Kung nauunawaan mo ang pinag-uusapan, sumagot ka;
    ngunit kung hindi, itikom mo ang iyong bibig.

13 Ang pananalita'y maaaring ikarangal o ikapahiya;
    ang dila ng isang tao'y maaaring ikapahamak niya.
14 Huwag kang pabalitang isang tsismoso,
    at huwag kang magkakalat ng balitang makakapinsala sa sinuman.
Kung paanong ang mga magnanakaw ay mapapahiya,
    ang sinungaling naman ay kamumuhian.
15 Pag-ingatan mong huwag magkulang sa malaki o maliit mang bagay,
    at huwag kang maging kaaway sa halip ay manatiling isang kaibigan.

Read full chapter

Tunay na Kaligayahan

14 Mapalad ang taong hindi nadudulas sa pananalita,
    at di binabagabag ng kanyang mga sinabi.

Read full chapter

Ang Dila

13 Sumpain(A) ang madaldal at ang mahabang-dila,
    maraming nananahimik ang kanyang sinasalanta.
14 Marami nang ipinahamak ang dilang mapanghimasok:[a]
Mga bansa'y napatapon sa iba't ibang lupain;
    mga lunsod na may kuta ay nalupig ng kaaway; mga naghahari ay bumagsak nang tuluyan.
15 Dahil pa rin sa dilang iyan ang matapat na maybahay ay napalayas sa tahanan,
    at ang kanyang pinagpagura'y inagaw na walang awa.
16 Ang sinumang nakikinig sa tsismis ay hindi magkakamit ng kapahingahan.
17 Ang hampas ng latigo ay nakakalatay;
    ang hagupit ng dila ay nakakabali ng buto.
18 Mas marami ang namatay sa talas ng dila,
    kaysa napahamak sa talim ng espada.
19 Mapalad ang taong dito'y nakaiwas,
    sa kalupitan nito'y lubhang nakaligtas.
Mapalad ang taong hindi nito nagapos,
    at hindi nagpasan ng pamatok nito.
20 Ang pamatok nito'y sintigas ng bakal,
    ang tanikala'y mabigat na tanso.
21 Ang kamatayang iginagawad nito'y kakila-kilabot,
    higit na malupit kaysa libingan.
22 Walang magagawa ang dilang malupit sa mga tunay na banal,
    at hindi sila masusunog ng apoy nito.
23 Ngunit ang mga tumatalikod sa Panginoon ay mahuhulog sa kapangyarihan niya,
    matutupok sila magpakailanman sa kanyang ningas na di mapapawi.
Ang malupit na dila ay sasalakay na parang leon,
    parang malupit na leopardo na lalapa sa kanila.
24-25 Kung sinususian ang ginto mo't pilak upang hindi manakaw,
    mga salita mo ay dapat timbangin at pakaingatan.
Kung pinalilibutan mo ang iyong ubasan ng bakod na tinik,
    lagyan mo ng pinto't matibay na tarangka ang iyong bibig.
26 Pakaingatan mong huwag magkamali nang dahil sa dila,
    upang hindi mahulog sa kapangyarihan ng nakaabang na kaaway.

Read full chapter

Notas al pie

  1. 14 dilang mapanghimasok: Sa literal na Griego ay ikatlong dila .