11 Cast thy bread upon the waters: for thou shalt find it after many days.

Give a portion to seven, and also to eight; for thou knowest not what evil shall be upon the earth.

If the clouds be full of rain, they empty themselves upon the earth: and if the tree fall toward the south, or toward the north, in the place where the tree falleth, there it shall be.

He that observeth the wind shall not sow; and he that regardeth the clouds shall not reap.

As thou knowest not what is the way of the spirit, nor how the bones do grow in the womb of her that is with child: even so thou knowest not the works of God who maketh all.

In the morning sow thy seed, and in the evening withhold not thine hand: for thou knowest not whether shall prosper, either this or that, or whether they both shall be alike good.

Truly the light is sweet, and a pleasant thing it is for the eyes to behold the sun:

But if a man live many years, and rejoice in them all; yet let him remember the days of darkness; for they shall be many. All that cometh is vanity.

Rejoice, O young man, in thy youth; and let thy heart cheer thee in the days of thy youth, and walk in the ways of thine heart, and in the sight of thine eyes: but know thou, that for all these things God will bring thee into judgment.

10 Therefore remove sorrow from thy heart, and put away evil from thy flesh: for childhood and youth are vanity.

Ang Gawain ng Taong Marunong

11 Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka.[a] Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang[b] negosyo,[c] dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo. Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.[d] Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.

Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.

Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo. Masarap mabuhay, kaya mas mabuting mabuhay. Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.

Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Dios ayon sa inyong mga ginawa. 10 Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang.

Footnotes

  1. 11:1 Ipuhunan … ka: o, Bukas-palad kang magbigay at hindi magtatagal ikaw din ay magkakaroon.
  2. 11:2 ibaʼt ibang: sa literal, pito o walo.
  3. 11:2 Ilagay … negosyo: o, Magbigay ka sa maraming tao.
  4. 11:3 Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga nangyayari sa mundo, katulad ng mga kalamidad na hindi mapipigilan ng tao.