Add parallel Print Page Options

Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw.

Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni't alalahanin niya (A)ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka't magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan.

Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at (B)lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: (C)nguni't talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin (D)ka ng Dios sa kahatulan.

10 Kaya't ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at (E)alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka't ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.

Payo upang alalahanin ang Panginoon sa kabataan.

12 Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa (F)iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, (G)bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, (H)pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;

Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.

Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka't sila'y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,

At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa'y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;

Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong (I)tahanan, (J)at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:

Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon;

(K)At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios (L)na nagbigay sa kaniya.