Deuteronomio 5
Ang Biblia, 2001
Ang Sampung Utos(A)
5 Tinawag ni Moises ang buong Israel, at sinabi sa kanila, “Pakinggan mo, O Israel, ang mga tuntunin at mga batas na aking binibigkas sa inyong mga pandinig sa araw na ito, at dapat ninyong matutunan ang mga ito, at maging maingat na isagawa ang mga ito.
2 Ang Panginoong ating Diyos ay nakipagtipan sa atin sa Horeb.
3 Ang tipang ito ay hindi ginawa ng Panginoon sa ating mga ninuno, kundi sa atin, sa ating lahat na nariritong buháy sa araw na ito.
4 Ang Panginoon ay nakipag-usap sa inyo nang mukhaan sa bundok mula sa gitna ng apoy.
5 Ako'y tumayo sa pagitan ninyo at ng Panginoon nang panahong iyon upang ipahayag sa inyo ang salita ng Panginoon; sapagkat kayo'y natakot dahil sa apoy, at hindi kayo umakyat sa bundok. Kanyang sinabi:
6 “‘Ako ang Panginoon mong Diyos na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.
7 “‘Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harapan ko.[a]
8 “‘Huwag(B) kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anumang nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa.
9 Huwag(C) mo silang yuyukuran o paglilingkuran man sila, sapagkat akong Panginoon mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang hanggang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin,
10 ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
11 “‘Huwag(D) mong gagamitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan; sapagkat hindi ituturing ng Panginoon na walang sala ang gumamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.
12 “‘Ipangilin(E) mo ang araw ng Sabbath, at ingatan mo itong banal, gaya ng iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos.
13 Anim(F) na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain,
14 ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anumang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki o anak na babae, ni ang iyong aliping lalaki o aliping babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anuman sa iyong hayop, ni ang mga dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan, upang ang iyong aliping lalaki at aliping babae ay makapagpahingang gaya mo.
15 Aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Ehipto, at ikaw ay inilabas doon ng Panginoon mong Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig. Kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos na ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
16 “‘Igalang(G) mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos; upang ang iyong mga araw ay humaba pa at para sa ikabubuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.
17 “‘Huwag(H) kang papatay.
18 “‘Ni(I) huwag kang mangangalunya.
19 “‘Ni(J) huwag kang magnanakaw.
20 “‘Ni(K) huwag kang sasaksi sa kasinungalingan laban sa iyong kapwa.
21 “‘Ni(L) huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa; ni huwag mong pagnanasaan ang bahay ng iyong kapwa, ang kanyang bukid, ni ang kanyang aliping lalaki, o aliping babae, ni ang kanyang baka, ni ang kanyang asno, ni anumang bagay ng iyong kapwa.’
22 “Ang(M) mga salitang ito ay sinabi ng Panginoon sa lahat ng inyong pagtitipon sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa makapal na kadiliman, na may malakas na tinig; at hindi na niya dinagdagan pa. At kanyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay ang mga ito sa akin.
Natakot ang Bayan(N)
23 Nang inyong marinig ang tinig mula sa gitna ng kadiliman, samantalang ang bundok ay nagliliyab sa apoy ay lumapit kayo sa akin, ang lahat ng mga pinuno sa inyong mga lipi, at ang inyong matatanda;
24 at inyong sinabi, ‘Ipinakita sa amin ng Panginoon nating Diyos ang kanyang kaluwalhatian at kadakilaan. Aming narinig ang kanyang tinig mula sa gitna ng apoy; aming nakita sa araw na ito na ang Diyos ay nakikipag-usap sa tao, at ang tao ay nabubuhay pa.
25 Ngayon, bakit kailangang mamamatay kami? Sapagkat tutupukin kami ng napakalaking apoy na ito; kapag aming narinig pa ang tinig ng Panginoon nating Diyos, kami ay mamamatay.
26 Sapagkat sino sa lahat ng laman na nakarinig ng tinig ng buháy na Diyos na nagsasalita mula sa gitna ng apoy, na gaya namin, at nabuhay pa?
27 Lumapit ka at iyong pakinggan ang lahat ng sasabihin ng Panginoon nating Diyos, at iyong sabihin sa amin ang lahat na sasabihin sa iyo ng Panginoon nating Diyos, at aming papakinggan, at gagawin ito.’
28 “At narinig ng Panginoon ang inyong mga salita, nang kayo'y nagsalita sa akin. Sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Aking narinig ang tinig ng bayang ito, na kanilang sinabi sa iyo; mabuti ang kanilang pagkasabi ng lahat na kanilang sinabi.
29 Ang kanila nawang isipan ay maging laging ganito, na matakot sa akin, at kanilang tuparin ang lahat ng aking mga utos para sa ikabubuti nila at pati ng kanilang mga anak magpakailanman!
30 Humayo ka at sabihin mo sa kanila, “Bumalik kayo sa inyong mga tolda.”
31 Ngunit tungkol sa iyo, manatili ka rito sa akin at aking sasabihin sa iyo ang lahat ng utos, mga tuntunin at ang mga kahatulan na iyong ituturo sa kanila upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang angkinin.’
32 Inyong ingatang gawin ang gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos; huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.
33 Kayo'y lalakad sa lahat ng mga daan na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Diyos, upang kayo'y mabuhay, at upang ang lahat ay maging mabuti sa iyo, at upang kayo ay mabuhay nang mahaba sa lupain na inyong aangkinin.
Footnotes
- Deuteronomio 5:7 o bukod sa akin .
Deuteronomy 5
King James Version
5 And Moses called all Israel, and said unto them, Hear, O Israel, the statutes and judgments which I speak in your ears this day, that ye may learn them, and keep, and do them.
2 The Lord our God made a covenant with us in Horeb.
3 The Lord made not this covenant with our fathers, but with us, even us, who are all of us here alive this day.
4 The Lord talked with you face to face in the mount out of the midst of the fire,
5 (I stood between the Lord and you at that time, to shew you the word of the Lord: for ye were afraid by reason of the fire, and went not up into the mount;) saying,
6 I am the Lord thy God, which brought thee out of the land of Egypt, from the house of bondage.
7 Thou shalt have none other gods before me.
8 Thou shalt not make thee any graven image, or any likeness of any thing that is in heaven above, or that is in the earth beneath, or that is in the waters beneath the earth:
9 Thou shalt not bow down thyself unto them, nor serve them: for I the Lord thy God am a jealous God, visiting the iniquity of the fathers upon the children unto the third and fourth generation of them that hate me,
10 And shewing mercy unto thousands of them that love me and keep my commandments.
11 Thou shalt not take the name of the Lord thy God in vain: for the Lord will not hold him guiltless that taketh his name in vain.
12 Keep the sabbath day to sanctify it, as the Lord thy God hath commanded thee.
13 Six days thou shalt labour, and do all thy work:
14 But the seventh day is the sabbath of the Lord thy God: in it thou shalt not do any work, thou, nor thy son, nor thy daughter, nor thy manservant, nor thy maidservant, nor thine ox, nor thine ass, nor any of thy cattle, nor thy stranger that is within thy gates; that thy manservant and thy maidservant may rest as well as thou.
15 And remember that thou wast a servant in the land of Egypt, and that the Lord thy God brought thee out thence through a mighty hand and by a stretched out arm: therefore the Lord thy God commanded thee to keep the sabbath day.
16 Honour thy father and thy mother, as the Lord thy God hath commanded thee; that thy days may be prolonged, and that it may go well with thee, in the land which the Lord thy God giveth thee.
17 Thou shalt not kill.
18 Neither shalt thou commit adultery.
19 Neither shalt thou steal.
20 Neither shalt thou bear false witness against thy neighbour.
21 Neither shalt thou desire thy neighbour's wife, neither shalt thou covet thy neighbour's house, his field, or his manservant, or his maidservant, his ox, or his ass, or any thing that is thy neighbour's.
22 These words the Lord spake unto all your assembly in the mount out of the midst of the fire, of the cloud, and of the thick darkness, with a great voice: and he added no more. And he wrote them in two tables of stone, and delivered them unto me.
23 And it came to pass, when ye heard the voice out of the midst of the darkness, (for the mountain did burn with fire,) that ye came near unto me, even all the heads of your tribes, and your elders;
24 And ye said, Behold, the Lord our God hath shewed us his glory and his greatness, and we have heard his voice out of the midst of the fire: we have seen this day that God doth talk with man, and he liveth.
25 Now therefore why should we die? for this great fire will consume us: if we hear the voice of the Lord our God any more, then we shall die.
26 For who is there of all flesh, that hath heard the voice of the living God speaking out of the midst of the fire, as we have, and lived?
27 Go thou near, and hear all that the Lord our God shall say: and speak thou unto us all that the Lord our God shall speak unto thee; and we will hear it, and do it.
28 And the Lord heard the voice of your words, when ye spake unto me; and the Lord said unto me, I have heard the voice of the words of this people, which they have spoken unto thee: they have well said all that they have spoken.
29 O that there were such an heart in them, that they would fear me, and keep all my commandments always, that it might be well with them, and with their children for ever!
30 Go say to them, Get you into your tents again.
31 But as for thee, stand thou here by me, and I will speak unto thee all the commandments, and the statutes, and the judgments, which thou shalt teach them, that they may do them in the land which I give them to possess it.
32 Ye shall observe to do therefore as the Lord your God hath commanded you: ye shall not turn aside to the right hand or to the left.
33 Ye shall walk in all the ways which the Lord your God hath commanded you, that ye may live, and that it may be well with you, and that ye may prolong your days in the land which ye shall possess.
