Add parallel Print Page Options

13 At pagka ang iyong mga bakahan at ang iyong mga kawan ay dumami at ang iyong pilak at ang iyong ginto ay dumami at ang lahat ng tinatangkilik mo ay dumami;

14 (A)Ay magmataas ang iyong puso, at (B)iyong malimutan ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin;

15 Na (C)siyang pumatnubay sa iyo sa malaki at kakilakilabot na ilang na tinatahanan (D)ng mga makamandag na ahas at (E)mga alakdan, at (F)uhaw na lupa, na walang tubig; (G)na siyang naglabas sa iyo ng tubig mula sa batong pingkian;

Read full chapter