Deuteronomio 7
Ang Biblia (1978)
Ipinagpauna na huwag makikipagtipan sa mga bansa.
7 Pagka (A)ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang (B)lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo;
2 At pagka sila'y (C)ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; (D)ay lubos mo ngang lilipulin sila; (E)huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:
3 (F)Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.
4 Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.
5 Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; (G)inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinaka-alaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.
6 (H)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; (I)pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
7 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo (J)ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:
8 Kundi (K)dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad (L)ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.
9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: (M)ang tapat na Dios, na (N)nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;
10 At (O)pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: (P)siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.
11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.
Ang biyaya sa pagkamasunurin.
12 At (Q)mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang:
13 At (R)kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.
14 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: (S)walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop.
15 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa (T)masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.
16 At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng (U)Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't (V)magiging isang silo sa iyo.
Ipinangako ang tulong ng Panginoon.
17 Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; (W)paanong aking makakamtan sila?
18 (X)Huwag kang matatakot sa kanila; (Y)iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto.
19 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.
20 (Z)Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.
21 Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay (AA)nasa gitna mo, (AB)dakilang Dios at kakilakilabot.
22 (AC)At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo.
23 Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol.
24 (AD)At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila.
25 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay (AE)iyong susunugin sa apoy: (AF)huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
26 At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, (AG)sapagka't itinalagang bagay.
Deuteronomio 7
Ang Dating Biblia (1905)
7 Pagka ipapasok ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, at palalayasin ang maraming bansa sa harap mo, ang Hetheo, at ang Gergeseo at ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Pherezeo, at ang Heveo, at ang Jebuseo, na pitong bansang lalong malalaki at mga lalong makapangyarihan kay sa iyo;
2 At pagka sila'y ibibigay sa harap mo ng Panginoon mong Dios, at iyong sasaktan sila; ay lubos mo ngang lilipulin sila; huwag kang makikipagtipan sa kanila, ni huwag mong pagpakitaan ng kaawaan sila:
3 Ni magaasawa sa kanila; ang iyong anak na babae ay huwag mong papag-aasawahin sa kaniyang anak na lalake, ni ang kaniyang anak na babae, ay huwag mong papag-aasawahin sa iyong anak na lalake.
4 Sapagka't kaniyang ihihiwalay ang iyong anak na lalake sa pagsunod sa akin, upang sila'y maglingkod sa ibang mga dios: sa gayo'y magaalab ang galit ng Panginoon laban sa iyo, at kaniyang lilipulin kang madali.
5 Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.
6 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
7 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:
8 Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Panginoon sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay at tinubos kayo sa bahay ng pagkaalipin, mula sa kamay ni Faraon na hari sa Egipto.
9 Talastasin mo nga, na ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios: ang tapat na Dios, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi;
10 At pinanghihigantihan sa kanilang mukha, ang mga napopoot sa kaniya, upang lipulin: siya'y hindi magpapaliban doon sa napopoot sa kaniya, kaniyang panghihigantihan sa kaniya ring mukha.
11 Iyo ngang iingatan ang utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, na iyong ganapin.
12 At mangyayari, na sapagka't iyong dininig ang mga kahatulang ito, at iyong tinutupad at iyong ginaganap, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang tipan, at igagawad ang kagandahang-loob, na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang:
13 At kaniyang iibigin ka, at pagpapalain ka, at padadamihin ka: kaniya rin namang pagpapalain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kaniyang isinumpa sa iyong mga magulang, upang ibigay sa iyo.
14 Magiging mapalad ka kay sa lahat ng mga bayan: walang magiging baog na babae o lalake sa inyo o sa inyong mga hayop.
15 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.
16 At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo.
17 Kung iyong sasabihin sa iyong puso, Ang mga bansang ito ay higit kay sa akin; paanong aking makakamtan sila?
18 Huwag kang matatakot sa kanila; iyong aalalahaning mabuti ang ginawa ng Panginoon mong Dios kay Faraon, at sa buong Egipto.
19 Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.
20 Bukod dito'y susuguin sa kanila ng Panginoon mong Dios ang malaking putakti hanggang sa ang nangaiiwan, at nangagtatago ay mamatay sa harap mo.
21 Huwag kang masisindak sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, dakilang Dios at kakilakilabot.
22 At itataboy na untiunti ng Panginoon mong Dios ang mga bansang yaon sa harap mo: hindi mo malilipol silang paminsan, baka ang mga hayop sa parang ay kumapal sa iyo.
23 Kundi ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo, at pagtataglayin sila ng isang malaking kalituhan hanggang sa sila'y mangalipol.
24 At kaniyang ibibigay ang kanilang mga hari sa iyong kamay, at iyong papawiin ang kanilang pangalan sa silong ng langit: walang lalaking makatatayo doon sa harap mo, hanggang sa iyong malipol sila.
25 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.
26 At huwag kang magpapasok ng karumaldumal sa iyong bahay, at baka ikaw ay maging itinalaga na gaya niyaon: iyong lubos na kapopootan at iyong lubos na kasusuklaman, sapagka't itinalagang bagay.
Deuteronomy 7
Common English Bible
Dealing with foreign worship
7 Now once the Lord your God brings you into the land you are entering to take possession of, and he drives out numerous nations before you—the Hittites, the Girgashites, the Amorites, the Canaanites, the Perizzites, the Hivites, and the Jebusites: seven nations that are larger and stronger than you— 2 once the Lord your God lays them before you, you must strike them down, placing them under the ban.[a] Don’t make any covenants with them, and don’t be merciful to them. 3 Don’t intermarry with them. Don’t give your daughter to one of their sons to marry, and don’t take one of their daughters to marry your son, 4 because they will turn your child away from following me so that they end up serving other gods. That will make the Lord’s anger burn against you, and he will quickly annihilate you.
5 Instead, this is what you must do with these nations: rip down their altars, smash their sacred stones, cut down their sacred poles,[b] and burn their idols 6 because you are a people holy to the Lord your God. The Lord your God chose you to be his own treasured people beyond all others on the fertile land. 7 It was not because you were greater than all other people that the Lord loved you and chose you. In fact, you were the smallest of peoples! 8 No, it is because the Lord loved you and because he kept the solemn pledge he swore to your ancestors that the Lord brought you out with a strong hand and saved you from the house of slavery, from the power of Pharaoh, Egypt’s king. 9 Know now then that the Lord your God is the only true God! He is the faithful God, who keeps the covenant and proves loyal to everyone who loves him and keeps his commands—even to the thousandth generation! 10 He is the God who personally repays anyone who hates him, ultimately destroying that kind of person. The Lord does not waste time with anyone who hates him; he repays them personally. 11 So make sure you carefully keep the commandment, the regulations, and the case laws that I am commanding you right now.
12 If you listen to these case laws and follow them carefully, the Lord your God will keep the covenant and display the loyalty that he promised your ancestors. 13 He will love you, bless you, and multiply you. He will bless the fruit of your wombs and the fruit of your fertile land—all your grain, your wine, your oil, and the offspring of your cattle and flocks—upon the very fertile land that he swore to your ancestors to give to you. 14 You will be more blessed than any other group of people. No one will be sterile or infertile—not among you or your animals. 15 The Lord will remove all sickness from you. As for all those dreadful Egyptian diseases you experienced, the Lord won’t put them on you but will inflict them on all who hate you. 16 You will destroy all the peoples that the Lord your God is handing over to you. Show them no pity. And don’t serve their gods because that would be a trap for you.
Against power and lack of trust
17 If you happen to think to yourself, These nations are greater than we are; how can we possibly possess their land? 18 don’t be afraid of them! Remember, instead, what the Lord your God did to Pharaoh and all Egypt: 19 the great trials that you saw with your own eyes, the signs and wonders, and the strong hand and outstretched arm the Lord your God used to rescue you. That’s what the Lord your God will do to any people you fear. 20 The Lord your God will send terror[c] on them until even the survivors and those hiding from you are destroyed. 21 Don’t dread these nations because the Lord your God, the great and awesome God, is with you and among you. (22 The Lord your God will drive out these nations before you bit by bit. You won’t be able to finish them off quickly; otherwise, the wild animals would become too much for you to handle.) 23 The Lord your God will lay these nations before you, throwing them into a huge panic until they are destroyed. 24 He will hand their kings over to you, and you will wipe their names out from under the skies. No one will be able to stand before you; you will crush them.
25 Burn the images of their gods. Don’t desire the silver or the gold that is on them and take it for yourself, or you will be trapped by it. That is detestable to the Lord your God. 26 Don’t bring any detestable thing into your house, or you will be placed under the ban too, just like it is! You must utterly detest these kinds of things, despising them completely, because they are under the ban.
Footnotes
- Deuteronomy 7:2 See note at 2:34.
- Deuteronomy 7:5 Heb asherim, perhaps objects devoted to the goddess Asherah
- Deuteronomy 7:20 Heb uncertain; perhaps wasp, plague, or pestilence
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 2011 by Common English Bible
