Font Size
Deuteronomio 7:11-13
Ang Biblia, 2001
Deuteronomio 7:11-13
Ang Biblia, 2001
11 Kaya't maingat mong tuparin ang utos, mga tuntunin, at mga batas na aking iniutos sa iyo sa araw na ito.
Ang mga Pagpapala sa Pagiging Masunurin(A)
12 “Sapagkat(B) iyong pinakinggan ang mga batas na ito, at iyong iningatan at sinunod ang mga ito, ay tutuparin sa iyo ng Panginoon mong Diyos ang tipan at ang wagas na pag-ibig na kanyang ipinangako sa iyong mga ninuno.
13 Iibigin ka niya, pagpapalain, at pararamihin. Pagpapalain din niya ang iyong mga supling,[a] ang bunga ng iyong lupa, ang iyong trigo, ang iyong alak, ang iyong langis, ang karagdagan ng iyong mga bakahan, at ang mga guya ng iyong kawan sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa iyo at sa iyong mga ninuno.
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 7:13 Sa Hebreo ay bunga ng iyong katawan .