Add parallel Print Page Options

31 Nguni't tungkol sa iyo, matira ka rito sa akin, at (A)aking sasalitain sa iyo ang lahat ng utos, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iyong ituturo sa kanila, upang kanilang gawin sa lupain na aking ibinibigay sa kanila upang ariin.

32 Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.

33 (B)Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, (C)upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.

Read full chapter