Add parallel Print Page Options

Ang Israel ay Pinaalalahanang Maging Masunurin

“At ngayon, O Israel, pakinggan mo ang mga tuntunin at ang mga batas, na aking itinuturo at inyong gawin ang mga ito upang kayo'y mabuhay, at pumasok at angkinin ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Panginoong Diyos ng inyong mga ninuno.

Huwag(A) ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong matupad ang mga utos ng Panginoon ninyong Diyos na aking iniuutos sa inyo.

Nakita(B) ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon sa Baal-peor; sapagkat lahat ng mga tao na sumunod kay Baal-peor ay pinuksa ng Panginoon mong Diyos sa gitna mo.

Ngunit kayong humawak ng matatag sa Panginoon ninyong Diyos ay buháy na lahat sa araw na ito.’

Tinuruan ko kayo ng mga tuntunin at ng mga batas, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Diyos upang inyong gawin sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang angkinin.

Tuparin ninyo at inyong gawin, sapagkat ito ang inyong magiging karunungan at kaalaman sa paningin ng mga tao na makakarinig ng mga tuntuning ito, at magsasabi, ‘Tunay na ang dakilang bansang ito ay matalino at may pagkaunawa.’

Sapagkat aling dakilang bansa ang may Diyos na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Diyos tuwing tumatawag tayo sa kanya?

At aling dakilang bansa ang may mga tuntunin at mga batas na napakatuwid na gaya ng buong kautusang ito na aking inilagay sa harapan ninyo sa araw na ito?

“Mag-ingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka malimutan mo ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay. Ipaalam mo ito sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak.

10 Nang araw na ikaw ay tumayo sa harapan ng Panginoon mong Diyos sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, ‘Tipunin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y matutong matakot sa akin sa lahat ng araw ng kanilang buhay sa lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.’

11 Kayo'y(C) lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok samantalang ito ay nagningas sa apoy hanggang sa langit, at nabalot ng dilim, ulap, at makapal na kadiliman.

12 Ang Panginoon ay nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy. Narinig ninyo ang tunog ng mga salita, ngunit wala kayong anyong nakita; tanging tinig lamang.

13 At(D) kanyang ipinahayag sa inyo ang kanyang tipan na kanyang iniutos na inyong ganapin, samakatuwid ay ang sampung utos; at kanyang isinulat ang mga ito sa dalawang tapyas na bato.

14 Iniutos(E) sa akin ng Panginoon nang panahong iyon na turuan ko kayo ng mga tuntunin at mga batas upang inyong gawin sa lupaing inyong paroroonan upang angkinin.

Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan

15 “Kaya't ingatan ninyong mabuti ang inyong sarili. Yamang wala kayong nakitang anumang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy,

16 baka(F) kayo'y magpakasama, at kayo'y gumawa para sa inyong sarili ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alinmang larawan, na katulad ng lalaki o babae,

17 na(G) kahawig ng anumang hayop na nasa lupa, at anumang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,

18 na kahawig ng anumang bagay na gumagapang sa lupa, at anumang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa.

19 Baka itingin mo ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw, buwan, bituin, at lahat ng hukbo ng sangkalangitan ay matukso ka at iyong sambahin at paglingkuran sila na inilagay ng Panginoon ninyong Diyos sa lahat ng mga bayan na nasa ilalim ng buong langit.

20 Ngunit(H) kinuha kayo ng Panginoon, at hinango kayo sa hurnong bakal, mula sa Ehipto, upang maging isang bayan na kanyang pag-aari, isang pamana, gaya sa araw na ito.

21 At(I) nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyong mga salita, at sumumpa na ako'y hindi tatawid sa Jordan, at hindi ako papasok sa mabuting lupaing ibinibigay ng Panginoon mong Diyos sa iyo bilang pamana.

22 Kundi ako'y nararapat mamatay sa lupaing ito, ako'y hindi nararapat tumawid sa Jordan. Ngunit kayo'y tatawid at inyong aangkinin ang mabuting lupaing ito.

23 Mag-ingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Diyos, na kanyang pinagtibay sa inyo. Huwag kayong gagawa ng larawang inanyuan na katulad ng anumang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Diyos.

24 Sapagkat(J) ang Panginoon mong Diyos ay isang apoy na tumutupok at isang Diyos na mapanibughuin.

25 “Kapag ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagtagal kayo sa lupain, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na katulad ng anumang bagay, at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Diyos, upang siya ay galitin;

26 aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito, upang kayo'y kaagad na mamatay sa lupain na inyong patutunguhan sa kabila ng Jordan upang angkinin, hindi ninyo mapapatagal ang inyong mga araw doon, kundi kayo'y lubos na mapupuksa.

27 Ikakalat(K) kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y maiiwang iilan sa bilang sa gitna ng mga bansa na pagtatabuyan sa inyo ng Panginoon.

28 Doo'y maglilingkod kayo sa ibang mga diyos na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato na hindi nakakakita, ni nakakarinig, ni nakakakain, ni nakakaamoy.

29 Ngunit(L) kung mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Diyos, siya ay iyong matatagpuan kung iyong hahanapin ng buong puso at buong kaluluwa.

30 Sa iyong kapighatian, kapag lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo sa mga huling araw, ay magbabalik-loob ka sa Panginoon mong Diyos, at iyong papakinggan ang kanyang tinig.

31 Sapagkat ang Panginoon mong Diyos ay maawaing Diyos. Hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya, ni kakalimutan ang tipan sa iyong mga ninuno na kanyang ipinangako sa kanila.

32 “Sapagkat ipagtanong mo nga ang mga araw na nagdaan na nauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Diyos ang tao sa ibabaw ng lupa, at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng isang bagay na higit na dakila kaysa rito, o may narinig na gaya nito?

33 Mayroon bang mga tao na nakarinig ng tinig ng Diyos na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabubuhay pa?

34 O may Diyos kaya na nagtangkang humayo at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa sa pamamagitan ng mga pagsubok, mga tanda, mga kababalaghan, digmaan, makapangyarihang kamay, ng unat na bisig, at ng kakilakilabot na pagpapakita ng kapangyarihan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Diyos sa iyo sa Ehipto, sa harapan ng iyong paningin?

35 Ipinakita(M) sa iyo ito, upang makilala mo na ang Panginoon ay siyang Diyos; wala nang iba liban sa kanya.

36 Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kanyang tinig, upang kanyang turuan ka. Sa ibabaw ng lupa ay kanyang ipinakita sa iyo ang kanyang dakilang apoy, at iyong narinig ang kanyang mga salita sa gitna ng apoy.

37 At sapagkat minahal niya ang iyong mga ninuno at pinili ang kanilang mga anak pagkatapos nila, at inilabas ka sa Ehipto na kasama niya, sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan,

38 na pinalayas sa harapan mo ang mga bansang lalong malalaki at makapangyarihan kaysa sa iyo, upang ikaw ay kanyang papasukin, upang ibigay sa iyo ang kanilang lupain bilang pamana, gaya sa araw na ito.

39 Kaya't alamin mo sa araw na ito at ilagay sa iyong puso, na ang Panginoon ay siyang Diyos sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.

40 Kaya't tuparin mo ang kanyang mga tuntunin at mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, upang kayo ay mapabuti, at ng inyong mga anak pagkamatay mo, at upang mapahaba mo ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing ibinibigay sa iyo magpakailanman ng Panginoon mong Diyos.”

Mga Lunsod-Kanlungan sa Silangan ng Jordan

41 Nang(N) magkagayo'y ibinukod ni Moises ang tatlong lunsod sa silangan sa kabila ng Jordan,

42 upang ang nakamatay ng tao ay makatakas patungo doon, na nakamatay sa kanyang kapwa na hindi sinasadya, na hindi niya naging kaaway nang nakaraan; na sa pagtakas sa isa sa mga lunsod na ito ay maaari niyang iligtas ang kanyang buhay:

43 Ang Bezer sa ilang, sa kapatagang lupa na para sa mga Rubenita; at sa Ramot sa Gilead na para sa mga Gadita; at ang Golan sa Basan na para sa mga anak ni Manases.

Paunang-salita sa Pagbibigay ng Kautusan ng Diyos

44 Ito ang kautusang inilagay ni Moises sa harapan ng mga anak ni Israel.

45 Ito ang mga patotoo, mga tuntunin, at mga batas na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel nang sila'y lumabas sa Ehipto,

46 sa kabila ng Jordan, sa libis na nasa tapat ng Bet-peor, sa lupain ni Sihon na hari ng mga Amoreo na tumira sa Hesbon, na nilupig ni Moises at ng mga anak ni Israel nang sila'y umalis sa Ehipto.

47 Kanilang inangkin ang kanyang lupain at ang lupain ni Og na hari sa Basan, ang dalawang hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa dakong silangan sa kabila ng Jordan;

48 mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon, hanggang sa bundok ng Sirion[a] (na siya ring Hermon),

49 at ang buong Araba sa kabila ng Jordan sa dakong silangan hanggang sa Dagat ng Araba sa ibaba ng gulod ng Pisga.

Footnotes

  1. Deuteronomio 4:48 Sa Hebreo ay Zion .

Moses Reminds Israel to Be Loyal to the Lord

Israel, listen to the laws and rules I am about to teach you. Obey them so that you will live and be able to enter and take possession of the land that the Lord God of your ancestors is giving you. Never add anything to what I command you, or take anything away from it. Then you will be able to obey the commands of the Lord your God that I give you.

With your own eyes you saw what the Lord did at Baal Peor. The Lord your God destroyed everyone among you who worshiped the god Baal while you were at Peor. But you were loyal to the Lord your God and are still alive today.

I have taught you laws and rules as the Lord my God commanded me. You must obey them when you’ve entered the land and taken possession of it. Faithfully obey these laws. This will show the people of the world your wisdom and insight. When they hear about all these laws, they will say, “What wise and insightful people there are in this great nation!”

What great nation ever had their gods as near to them as the Lord our God is near to us whenever we pray to him? Or what other great nation has such fair laws and rules as all these teachings I am giving you today?

However, be careful, and watch yourselves closely so that you don’t forget the things which you have seen with your own eyes. Don’t let them fade from your memory as long as you live. Teach them to your children and grandchildren. 10 Never forget the day you stood in front of the Lord your God at Mount Horeb. The Lord had said to me, “Assemble the people in front of me, and I will let them hear my words. Then they will learn to fear me as long as they live on earth, and they will teach their children the same thing.”

11 So you came and stood at the foot of the mountain, which was on fire with flames shooting into the sky. It was dark, cloudy, and gloomy. 12 The Lord spoke to you from the fire. You heard a voice speaking but saw no one. There was only a voice. 13 The Lord told you about the terms of his promise, the ten commandments, which he commanded you to do. Then he wrote them on two stone tablets. 14 The Lord also commanded me to teach you the laws and rules you must obey after you cross ⌞the Jordan River⌟ and take possession of the land.

15 You didn’t see the Lord the day he spoke to you from the fire at Mount Horeb. So be very careful 16 that you don’t become corrupt and make your own carved idols. Don’t make statues that represent men or women, 17 any animal on earth, any creature with wings that flies, 18 any creature that crawls on the ground, or any fish in the water. 19 Don’t let yourselves be tempted to worship and serve what you see in the sky—the sun, the moon, the stars, or anything else. The Lord your God has given them to all people everywhere. 20 But you are the people the Lord brought out of Egypt, the iron smelter, in order to make you his own people as you still are today.

21 The Lord was angry with me because of you. So the Lord your God took an oath that I wouldn’t cross the Jordan River and enter the good land he is giving you as your property. 22 I’m going to die in this land and not cross the Jordan River, but you’re going to go across and take possession of that good land. 23 Be careful that you don’t forget the promise [a] that the Lord your God made to you. Don’t make your own carved idols or statues that represent anything the Lord your God has forbidden. 24 The Lord your God is a raging fire, a God who does not tolerate rivals.

25 Even when you have children and grandchildren and have grown old in that land, don’t become corrupt and make carved idols or statues that represent anything. I call heaven and earth as witnesses against you today: [b] If you do this thing that the Lord your God considers evil, making him furious, 26 you will quickly disappear from the land you’re going to possess on the other side of the Jordan River. You won’t live very long there. You’ll be completely wiped out. 27 The Lord will scatter you among the people of the world, and only a few of you will be left among the nations where the Lord will force you to live. 28 There you will worship wooden and stone gods made by human hands. These gods can’t see, hear, eat, or smell.

29 But if you look for the Lord your God when you are among those nations, you will find him whenever you search for him with all your heart and with all your soul. 30 When you’re in distress and all these things happen to you, then you will finally come back to the Lord your God and obey him. 31 The Lord your God is a merciful God. He will not abandon you, destroy you, or forget the promise to your ancestors that he swore he would keep.

32 Search the distant past, long before your time. Start from the very day God created people on earth. Search from one end of heaven to the other. Has anything as great as this ever happened before, or has anything like it ever been heard of? 33 Have any ⌞other⌟ people ever heard God speak from a fire and lived? You did! 34 Or has any god ever tried to come and take one nation away from another for himself? The Lord your God used his mighty hand and powerful arm to do this for you in Egypt. He did this using plagues, miraculous signs, amazing things, and war. He did his great and awe-inspiring deeds in front of you.

35 You were shown these things so that you would know that the Lord is God. There is no other god. 36 He let you hear his voice from heaven so that he could instruct you. He showed you his great fire on earth, and you heard him speak from the column of fire. 37 Because he loved your ancestors and chose their descendants, he was with you as he brought you out of Egypt by his great power. 38 He forced nations greater and stronger than you out of your way to bring you into their land and give it to you. This land is your own possession today.

39 Remember today, and never forget that the Lord is God in heaven above and here on earth. There is no other god. 40 Obey his laws and commands which I’m giving you today. Then things will go well for you and your descendants. You will live for a long time in the land. The Lord your God is giving you the land for as long as you live.

Three Cities of Refuge East of the Jordan River

41 Then Moses set aside three cities on the east side of the Jordan River. 42 Those who unintentionally killed someone whom they had never hated could flee to one of these cities and save their lives. 43 The cities were Bezer on the desert plateau for the tribe of Reuben, Ramoth in Gilead for the tribe of Gad, and Golan in Bashan for the tribe of Manasseh.

Introduction to Moses’ Teachings

44 This is what Moses taught the people of Israel. 45 These are the commandments, laws, and rules Moses gave the Israelites after they had left Egypt. 46 He gave these to the people when they were east of the Jordan River in the valley near Beth Peor, in the land of King Sihon of the Amorites, who ruled in Heshbon. Moses and Israel defeated him after they left Egypt. 47 They took possession of his land and the land of King Og of Bashan, the two kings of the Amorites who were east of the Jordan River. 48 This land went from Aroer on the edge of the Arnon Valley to Mount Siyon (that is, Mount Hermon). 49 It included all the plains on the east side of the Jordan River as far as the Dead Sea at the foot of the slopes of Mount Pisgah.

Footnotes

  1. 4:23 Or “covenant.”
  2. 4:25 The first part of verse 26 (in Hebrew) has been placed in verse 25 to express the complex Hebrew sentence structure more clearly in English.