Add parallel Print Page Options

20 At tungkol kay Gad, ay kanyang sinabi,

“Pagpalain ang nagpalaki kay Gad:
    siya'y mabubuhay na parang isang leon,
    at lalapain ang bisig at ang bao ng ulo.
21 Kanyang pinili ang pinakamabuti sa lupain para sa kanya,
    sapagkat doon nakatago ang bahagi ng isang pinuno,
at siya'y dumating sa mga pinuno ng bayan,
    kanyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
    at ang kanyang mga batas sa Israel.”

22 At tungkol kay Dan ay kanyang sinabi,

“Si Dan ay anak ng leon,
    na lumukso mula sa Basan.”

Read full chapter

20 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi,

Pagpalain yaong magpalaki sa Gad:
Siya'y tumatahan (A)parang isang leona,
At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
21 At (B)kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya,
Sapagka't doon natago ang bahagi ng (C)gumagawa ng kautusan;
At siya'y (D)pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan,
Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.

22 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi,

Ang Dan ay (E)anak ng leon,
Na (F)lumukso mula sa Basan.

Read full chapter