Add parallel Print Page Options

18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,

(A)Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
19 (B)Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
Doo'y (C)maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran:
Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.

Read full chapter

Ang mana ng mga anak ni Zabulon.

10 At ang ikatlong kapalaran ay napasa mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang hangganan ng kanilang mana ay hanggang sa Sarid:

11 (A)At ang kanilang hangganan ay pasampa sa dakong kalunuran sa Merala, at abot sa Dabbeseth at mula roo'y abot sa batis na nasa harap ng Jocneam,

Read full chapter