Font Size
Deuteronomio 33:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
Deuteronomio 33:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
33 At ito ang basbas na ibinasbas ni Moises, tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.
2 At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai, At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila; Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran, At siya'y nanggaling sa laksa-laksa ng mga banal: Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
3 Oo't kaniyang iniibig ang bayan: Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay: At sila'y umupo sa iyong paanan; Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
Read full chapter
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)