Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

37 At kaniyang sasabihin, (A)Saan nandoon ang kanilang mga dios,
Ang bato na siya nilang pinanganlungan;
38 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain,
At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog?
Bumangon sila at tumulong sa inyo,
At sila'y maging pagkupkop sa inyo.
39 Tingnan ninyo ngayon, na (B)ako, sa makatuwid baga'y ako nga,
At walang dios sa akin:
(C)Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay;
(D)Ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling:
At walang makaliligtas sa aking kamay.

Read full chapter