Add parallel Print Page Options

30 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo,
At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo,
Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato,
At ibigay sila ng Panginoon?
31 Sapagka't (A)ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,
Kahit ang (B)ating mga kaaway man ang maging mga hukom.
32 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma,
At sa mga parang ng Gomorra:
Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo,
Ang kanilang mga buwig ay mapait:

Read full chapter