Add parallel Print Page Options

16 Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga diyos,
    sa pamamagitan ng mga karumaldumal, kanilang ibinunsod siya sa pagkagalit.
17 Sila'y(A) naghandog sa mga demonyo na hindi Diyos,
    sa mga diyos na hindi nila nakilala,
sa mga bagong diyos na kalilitaw pa lamang,
    na hindi kinatakutan ng inyong mga ninuno.
18 Hindi mo pinansin ang Batong nanganak sa iyo,
    at kinalimutan mo ang Diyos na lumalang sa iyo.

Read full chapter