Deuteronomio 31
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Si Josue ang Pumalit kay Moises(A)
31 Nagpatuloy si Moises sa pakikipag-usap sa lahat ng Israelita. 2 Sinabi niya, “Akoʼy 120 taong gulang na at hindi ko na kayo kayang pamunuan. At sinabi rin ng Panginoon sa akin na hindi ako makakatawid sa Jordan. 3 Ang Panginoon na inyong Dios mismo ang mangunguna sa inyo sa pagtawid. Wawasakin niya ang mga bayan doon, at aangkinin ninyo ang mga lupain nila. Pangungunahan kayo ni Josue sa pagtawid ayon sa sinabi ng Panginoon. 4 Wawasakin ng Panginoon ang mga bayang ito gaya ng ginawa niya kina Sihon at Og, na mga hari ng mga Amoreo, at sa kanilang lupain. 5 Ibibigay sila ng Panginoon sa inyo, at kailangang gawin ninyo sa kanila ang iniutos ko sa inyo. 6 Magpakatatag kayo at magpakatapang. Huwag kayong matatakot sa kanila dahil ang Panginoon na inyong Dios ay kasama ninyo; hindi niya kayo iiwan o pababayaan man.”
7 Pagkatapos, ipinatawag ni Moises si Josue, at sa harap ng lahat ng Israelita ay sinabi sa kanya, “Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang mangunguna sa mga taong ito sa pagpunta at pagsakop sa lupaing ipinangako ng Panginoon sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila. Tutulungan mo silang angkinin ang lupain. 8 Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”
Ang Pagbasa ng Kautusan
9 Isinulat ni Moises ang mga utos na ito at ibinigay sa mga paring lahi ni Levi, na siyang mga tagabuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, at sa lahat ng tagapamahala ng Israel. 10 Pagkatapos, inutusan sila ni Moises, “Sa katapusan ng bawat pitong taon na siyang taon ng pagkakansela ng mga utang, habang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, 11 babasahin ninyo ang mga utos na ito sa lahat ng mga Israelita kung magtitipon sila sa presensya ng Panginoon na inyong Dios sa lugar na pipiliin niya. 12 Tipunin ang mga tao – mga lalaki, babae, bata at mga dayuhang naninirahan sa bayan nʼyo – upang makapakinig sila at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Dios at sumunod nang mabuti sa lahat ng ipinatutupad ng mga utos na ito. 13 Gawin ninyo ito para ang inyong mga anak na hindi pa nakakaalam ng mga utos na ito ay makarinig din nito at matutong gumalang sa Panginoon na inyong Dios habang nabubuhay kayo sa lupaing aangkinin ninyo sa kabila ng Jordan.”
Itinakda ang Pagrerebelde ng mga Israelita
14 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay, kaya ipatawag mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan, dahil tuturuan ko siya roon ng gagawin niya.” Kaya pumunta sina Moises at Josue sa Toldang Tipanan.
15 Nagpakita ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap na parang haligi roon sa may pintuan ng Tolda. 16 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Malapit ka nang mamatay at makasama ng mga ninuno mo. Kung wala ka na, ang mga taong ito ay sasamba sa ibang mga dios na sinasamba ng mga tao sa lupaing pupuntahan nila. Itatakwil nila ako at susuwayin ang kasunduang ginawa ko sa kanila. 17 Sa araw na iyon, magagalit ako sa kanila at itatakwil ko sila. Tatalikuran ko sila at silaʼy malilipol. Maraming kapahamakan at kahirapan ang darating sa kanila, at sa panahong iyon, magtatanong sila, ‘Dumating ba sa atin ang mga kapahamakang ito dahil hindi tayo sinasamahan ng Panginoon?’ 18 Tatalikuran ko sila sa panahong iyon dahil sa lahat ng kasamaang ginawa nila at pagsamba sa ibang mga dios.
19 “Kaya isulat mo ang awit na ito at ituro sa mga Israelita. Ipaawit mo ito sa kanila para maging saksi ito laban sa kanila. 20 Dadalhin ko sila sa maganda at masaganang lupain[a] na ipinangako kong ibibigay sa kanilang mga ninuno. Doon, mabubuhay sila nang masagana; kakain sila ng lahat ng pagkaing gusto nila, at mabubusog sila. Pero tatalikuran nila ako at sasamba sa ibang mga dios. Susuwayin nila ang aking kasunduan. 21 Kung dumating na sa kanila ang maraming kapahamakan at mga kahirapan, ang awit na ito ang magiging saksi laban sa kanila, sapagkat hindi ito malilimutan ng kanilang mga lahi. Nalalaman ko kung ano ang pinaplano nilang gawin kahit na hindi ko pa sila nadadala sa lupaing ipinangako ko sa kanila.” 22 Sa araw na iyon, isinulat ni Moises ang awit at itinuro sa mga Israelita.
23 Itinalaga ng Panginoon si Josue na anak ni Nun. Sabi niya, “Magpakatatag ka at magpakatapang, dahil ikaw ang magdadala sa mga Israelita sa lupain na ipinangako ko sa kanila, at sasamahan kita.”
24 Pagkatapos na maisulat ni Moises ang lahat ng utos sa aklat, 25 inutusan niya ang mga Levita, na siyang mga tagabuhat ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon. Sinabi niya, 26 “Kunin ninyo ang Aklat ng Kautusan na ito at ilagay sa tabi ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon na inyong Dios. Mananatili ito roon bilang saksi laban sa mga mamamayan ng Israel. 27 Sapagkat nalalaman ko kung gaano kayo kasuwail kung gaano katigas ang inyong ulo. Kahit nga ngayong kasama ninyo ako, nagrerebelde na kayo sa Panginoon, ano pa kaya kung patay na ako! 28 Tipunin ninyo sa harapan ko ang lahat ng tagapamahala ng inyong angkan at ang lahat ng opisyal para sabihin ko sa kanila ang mga bagay na ito. At tatawagin ko ang langit at ang lupa bilang saksi laban sa kanila. 29 Sapagkat nalalaman ko na kung patay na ako, siguradong gagawa kayo ng kasamaan at itatakwil ninyo ang lahat ng iniuutos ko sa inyo. Sa bandang huli, darating sa inyo ang lahat ng kapahamakan dahil gagawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon at gagalitin ninyo siya sa pamamagitan ng mga gagawin ninyo.”
Ang Awit ni Moises
30 Ito ang kabuuan ng awit na ipinarinig ni Moises sa mga Israelita:
Footnotes
- 31:20 masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.
Deuteronomio 31
Magandang Balita Biblia
Si Josue ang Kahalili ni Moises
31 Nagpatuloy si Moises sa pagsasalita sa mga Israelita. 2 Ang(A) sabi niya, “Sandaa't dalawampung taon na ako ngayon at hindi ko na kayo kayang pamunuan. Bukod dito, sinabi sa akin ni Yahweh na hindi ako maaaring tumawid sa Jordan. 3 Ang Diyos ninyong si Yahweh mismo ang mangunguna sa inyo. Pupuksain niya ang mga bansang daraanan ninyo upang mapasainyo ang lupain nila. Si Josue ang inyong magiging pinuno gaya ng sinabi ni Yahweh. 4 Ang(B) mga bansang iyon ay lilipulin ni Yahweh tulad ng ginawa niya sa mga haring Amoreo na sina Sihon at Og, at sa kani-kanilang kaharian. 5 Sila'y ipapabihag ni Yahweh sa inyo at gagawin naman ninyo sa kanila ang sinabi ko sa inyo. 6 Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man.”
7 Ipinatawag ni Moises si Josue at sa harapan ng sambayanan ng Israel ay sinabi ang ganito: “Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob sapagkat ikaw ang mangunguna sa bayang ito sa pagsakop sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa kanilang mga ninuno. 8 Si(C) Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.”
Dapat Basahin ang Kautusan Tuwing Ikapitong Taon
9 Isinulat ni Moises ang mga utos at ibinigay ito sa mga paring tagadala ng Kaban ng Tipan, at sa matatandang namumuno sa bayan. 10 Sinabi(D) niya, “Sa Pista ng mga Tolda tuwing katapusan ng ikapitong taon na siyang taon ng pagpapatawad ng utang, 11 basahin ninyo ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang doo'y sambahin siya. 12 Tipunin ninyong lahat ang mga lalaki, babae, bata, pati ang mga dayuhang kasama ninyo upang marinig nila ang kautusang ito. Sa ganoon, matututo silang matakot sa Diyos ninyong si Yahweh at sumunod sa kanyang mga utos. 13 Pati ang inyong mga anak na hindi pa nakaaalam nito ay magkakaroon ng takot kay Yahweh habang sila'y nabubuhay sa lupaing titirhan ninyo sa ibayo ng Jordan.”
Ang Huling Tagubilin ni Yahweh kay Moises
14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Malapit ka nang mamatay. Tawagin mo si Josue at pumunta kayo sa Toldang Tipanan upang bigyan siya ng mga bilin.” Gayon nga ang ginawa nila. 15 Si Yahweh ay bumabâ sa Toldang Tipanan sa anyong haliging ulap at tumayo sa pintuan.
16 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, “Nalalapit na ang iyong kamatayan. Kapag nangyari na ito, ang Israel ay magpapakasama at maglilingkod sa mga diyus-diyosan sa lupaing pupuntahan nila. Tatalikod sila sa akin at sisira sa aming kasunduan. 17 Kung magkaganoon, magagalit ako sa kanila. Itatakwil ko sila't tatalikuran, at sila'y madaling mabibihag ng kaaway. Daranas sila ng mga kaguluhan at kapahamakan hanggang sa mapag-isip-isip nilang ito'y dahil sa akong Diyos nila ay hindi nila kasama.
18 “Pababayaan ko sila dahil sa kasamaang ginawa nila, ang pagsamba nila sa mga diyus-diyosan. 19 Kaya nga, isulat mo ang awiting ito at ituro sa bansang Israel upang maging tagapagpaalala sa kanila. 20 Kapag nadala ko na sila sa lupaing mayaman at sagana sa lahat ng bagay, tulad ng aking pangako sa kanilang mga ninuno, mamumuhay na sila nang sagana at tiwasay. Ngunit sasamba sila at maglilingkod sa mga diyus-diyosan. Tatalikod sila sa akin at sisira sa aming kasunduan. 21 Kung dumating na sa kanila ang matinding kahirapan at kaguluhan, ang awit na ito ang siyang susumbat sa kanila sapagkat matatanim ito sa isipan ng magiging lahi nila. Hindi ko pa sila nadadala sa lugar na ibibigay ko sa kanila ay alam ko na ang kanilang binabalak.”
22 Nang araw ring iyon, sinulat niya ang isang awit at itinuro ito sa mga Israelita.
23 Itinalaga(E) ni Yahweh si Josue na anak ni Nun. Sinabi niya, “Magpakatatag at lakasan mo ang loob mo sapagkat ikaw ang mangunguna sa Israel sa pagpunta nila sa lupaing ipinangako ko sa kanila. Hindi kita pababayaan.”
24 Matapos isulat ni Moises sa isang aklat ang buong kautusan, 25 sinabi niya sa mga pari, 26 “Dalhin ninyo ang aklat na ito at itabi sa Kaban ng Tipan upang maging babala sa inyo. 27 Alam kong kayo'y mapaghimagsik at matigas ang ulo. Kung ngayong buháy pa ako ay lagi kayong naghihimagsik kay Yahweh, lalo na kung patay na ako. 28 Pupulungin ko ang inyong matatanda at ang inyong mga pinuno. Ipapaliwanag ko sa kanila ang mga bagay na ito, at gagawin kong saksi ang langit at lupa laban sa kanila. 29 Sapagkat natitiyak kong kayo'y magpapakasama pagkamatay ko, lilihis kayo sa daang itinuro ko sa inyo. Darating ang araw na magagalit sa inyo si Yahweh dahil gagawin ninyo ang pinakaaayawan niya.”
Ang Awit ni Moises
30 Ito ang kabuuan ng awit na ipinarinig ni Moises sa mga Israelita:
5 Mosebok 31
Det Norsk Bibelselskap 1930
31 Og Moses gikk frem og talte disse ord til hele Israel -
2 han sa til dem: Jeg er idag hundre og tyve år gammel, jeg kan ikke mere gå ut og inn som før, og Herren har sagt til mig: Du skal ikke komme over Jordan her.
3 Herren din Gud vil selv dra frem foran dig, han vil utrydde disse folk for dig, så du kan ta deres land i eie; Josva han skal dra frem foran dig, således som Herren har sagt.
4 Og Herren skal gjøre med dem som han gjorde med Sihon og Og, amorittenes konger, dengang han gjorde ende på dem og ødela deres land.
5 Og Herren skal gi dem i eders vold; og I skal gjøre med dem aldeles som jeg har befalt eder.
6 Vær frimodige og sterke, frykt ikke og reddes ikke for dem! For Herren din Gud går selv med dig, han skal ikke slippe dig og ikke forlate dig.
7 Og Moses kalte Josva til sig og sa til ham så hele Israel hørte det: Vær frimodig og sterk! For du skal dra inn med dette folk i det land som Herren tilsvor deres fedre å ville gi dem; og du skal skifte det ut til arv mellem dem.
8 Og Herren, han som drar foran dig, han skal være med dig - han skal ikke slippe dig og ikke forlate dig; du skal ikke frykte og ikke reddes.
9 Så skrev Moses op denne lov og overgav den til prestene, Levis sønner, som bar Herrens pakts-ark, og til alle de eldste i Israel.
10 Og Moses bød dem og sa: Hvert syvende år, i eftergivelsesåret, på løvsalenes høitid,
11 når hele Israel møter frem for å vise sig for Herrens, din Guds åsyn på det sted han utvelger, da skal du lese op denne lov for hele Israel så de hører på det.
12 Kall folket sammen, mennene og kvinnene og barna og de fremmede som bor i dine byer, så de kan høre det og lære å frykte Herren eders Gud og akte vel på å holde alle ordene i denne lov,
13 og deres barn som ikke kjenner den, kan få høre den og lære å frykte Herren eders Gud alle de dager I lever i det land som I nu drar til over Jordan og skal ta i eie.
14 Og Herren sa til Moses: Se, nu lider det mot den dag du skal dø; kall på Josva og still eder frem ved sammenkomstens telt, forat jeg kan gi ham mine befalinger. Og Moses og Josva gikk frem og stilte sig ved sammenkomstens telt.
15 Da åpenbarte Herren sig ved teltet i en skystøtte, og skystøtten stod ved inngangen til teltet.
16 Og Herren sa til Moses: Når du hviler hos dine fedre, da vil dette folk komme til å holde sig med de fremmede guder i det land de kommer inn i, og de vil forlate mig og bryte min pakt, som jeg har gjort med dem.
17 Den dag skal min vrede optendes mot dem, og jeg vil forlate dem og skjule mitt åsyn for dem, så de går til grunne, og mangfoldige ulykker og trengsler kommer over dem. Og de skal si på den dag: Er det ikke fordi min Gud ikke er med mig at disse ulykker er kommet over mig?
18 Men jeg vil på den dag skjule mitt åsyn for dem, fordi de har gjort så meget ondt og vendt sig til andre guder.
19 Så skriv nu op for eder denne sang[a] og lær Israels barn den, legg den i deres munn, så den kan være et vidne for mig mot Israels barn.
20 For jeg vil føre dem inn i det land som jeg har tilsvoret deres fedre, et land som flyter med melk og honning, og når de har ett og er blitt mette og fete, da skal de vende sig til andre guder og dyrke dem og forakte mig og bryte min pakt.
21 Når da mange ulykker og trengsler kommer over dem, da skal denne sang lyde for dem som et vidne - den skal ikke glemmes hos dem som kommer efter, og ikke dø i deres munn. For jeg kjenner de tanker som de går med allerede nu, før jeg fører dem inn i det land jeg har tilsvoret dem.
22 Samme dag skrev Moses op denne sang og lærte Israels barn den.
23 Og han[b] bød Josva, Nuns sønn, og sa: Vær frimodig og sterk! For du skal føre Israels barn inn i det land jeg har tilsvoret dem, og jeg vil være med dig.
24 Da Moses var ferdig med å skrive denne lovs ord i en bok helt til enden,
25 bød han levittene, som bar Herrens pakts-ark, og sa:
26 Ta denne lovens bok og legg den ved siden av Herrens, eders Guds pakts-ark! Der skal den ligge som et vidne mot dig.
27 For jeg kjenner din gjenstridighet og din stive nakke; se, ennu idag mens jeg lever og er iblandt eder, har I vært gjenstridige mot Herren; hvor meget mere da efter min død!
28 Kall nu sammen til mig alle de eldste i eders stammer og eders tilsynsmenn, så vil jeg tale disse ord for dem og ta himmelen og jorden til vidne mot dem.
29 For jeg vet at efter min død vil I forderve eders vei og vike av fra den vei jeg har befalt eder å vandre, og ulykken skal komme over eder i de siste dager, fordi I gjør det som er ondt i Herrens øine, og egger ham til vrede med eders henders verk.
30 Derefter fremsa Moses denne sang, fra begynnelsen til enden, for hele Israels menighet.
Footnotes
- 5 Mosebok 31:19 5MO 32, 1 fg.
- 5 Mosebok 31:23 Herren.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
