Font Size
Deuteronomio 3:9-11
Magandang Balita Biblia
Deuteronomio 3:9-11
Magandang Balita Biblia
(9 Sirion ang tawag ng mga taga-Sidon sa Bundok ng Hermon at Senir naman ang tawag doon ng mga Amoreo.) 10 Nasakop din natin ang mga lunsod sa matataas na kapatagan, ang buong Gilead, ang Bashan, hanggang Salca at Edrei, na pawang sakop ni Haring Og.”
(11 Si Haring Og lamang ang natira sa mga taga-Refaim. Ang kabaong[a][b] niyang bato ay apat na metro ang haba at dalawang metro ang lapad. Ito ay nasa Lunsod ng Rabba, sa lupain ng Ammon, hanggang ngayon.)
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 3:11 kabaong: o kaya'y higaan .
- Deuteronomio 3:11 bato: o kaya'y bakal .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.