Font Size
Deuteronomio 23:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 23:19-21
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
19 “Huwag(A) kayong magpapautang nang may tubo sa inyong kapwa Israelita, maging pera, pagkain o anumang maaaring patubuan. 20 Maaari ninyong patubuan ang mga dayuhan ngunit hindi ang inyong kapwa Israelita upang pagpalain kayo ni Yahweh sa inyong mga gawain pagdating ninyo sa lupaing ibibigay niya sa inyo.
21 “Huwag(B) ninyong kakaligtaang tuparin ang panata ninyo kay Yahweh. Tiyak na sisingilin niya kayo kapag hindi ninyo tinupad iyon.
Read full chapter