Add parallel Print Page Options

32 “Nang nakikipaglaban si Sihon at ang kanyang mga sundalo[a] sa atin doon sa Jahaz, 33 ibinigay siya ng Panginoon na ating Dios sa atin at pinatay natin siya, pati ang mga anak niya at ang lahat ng sundalo niya. 34 Nang panahong iyon, sinakop natin ang lahat ng kanyang bayan at nilipol sila ng lubusan[b] – mga lalaki, babae at mga bata. Wala tayong itinirang buhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:32 mga sundalo: o, mga tao. Ganito rin sa talatang 33.
  2. 2:34 nilipol sila ng lubusan: o, nilipol sila ng lubusan bilang handog sa Panginoon.