Add parallel Print Page Options

28 Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; (A)paraanin mo lamang ako ng aking mga paa;

29 (B)Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios.

30 Nguni't ayaw tayong paraanin ni (C)Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at (D)pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.

Read full chapter