Add parallel Print Page Options

12 (A)Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng (B)Israel sa lupaing kaniyang pagaari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)

13 Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At (C)tayo'y tumawid sa batis ng Zered.

14 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, (D)hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.

Read full chapter