Add parallel Print Page Options

13 Huwag mo siyang titingnan na may pagkahabag kundi aalisin mo ang pagkakasala ng dugong walang sala mula sa Israel para sa ikabubuti mo.

Hangganan ng mga Ari-arian

14 “Huwag(A) mong aalisin ang muhon ng iyong kapwa na inilagay ng mga matatanda noong una. Sa mana na iyong mamanahin sa lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos upang angkinin ay huwag mong aalisin.

Tungkol sa mga Saksi

15 “Ang(B) nag-iisang saksi ay hindi mangingibabaw laban sa isang tao sa anumang kasamaan o kasalanang kanyang nagawa; sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay pagtitibayin ang usapin.

Read full chapter