Font Size
Deuteronomio 19:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 19:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 ipadarakip siya ng pinuno ng kanyang bayan at ibibigay siya sa pinakamalapit na kamag-anak ng napatay upang patayin din. 13 Huwag ninyo siyang kaaawaan. Kailangang alisin sa Israel ang mamamatay-taong tulad nito. Sa ganoon, makakapamuhay kayo nang matiwasay.
Mga Batong Palatandaan
14 “Huwag(A) ninyong gagalawin ang mga batong palatandaan ng hangganan ng lupa ng inyong kapwa. Inilagay ng inyong mga ninuno ang mga palatandaang iyon sa lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Yahweh.
Read full chapter