Add parallel Print Page Options

17 Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, (A)upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

18 (B)At mangyayari, na pagka siya'y luluklok sa luklukan ng kaniyang kaharian, ay kaniyang susulatin ang (C)isang salin ng kautusang ito sa isang aklat, na nasa harap ng mga (D)saserdote na mga Levita:

19 At mamamalagi sa kaniya, at kaniyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay: upang siya'y magaral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito;

Read full chapter