Add parallel Print Page Options

16 Huwag lamang siyang magpaparami ng (A)mga kabayo, ni (B)pababalikin niya ang bayan sa Egipto, upang siya'y makapagparami ng mga kabayo: (C)sapagka't sinabi sa inyo ng Panginoon, (D)Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon.

Read full chapter

12 At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; (A)sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; (B)at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan.

13 Sapagka't aking parurusahan (C)silang nagsisitahan sa lupain ng Egipto, gaya ng aking pagkaparusa sa Jerusalem sa pamamagitan ng tabak, ng kagutom, at ng salot;

14 Na anopa't wala sa nalabi sa Juda na pumasok sa lupain ng Egipto na nangibang bayan doon, ay makatatanan o maiiwan man, upang makabalik sa lupain ng Juda na kanilang pinagnanasaang pagbalikan upang tahanan: sapagka't walang magsisibalik liban sa mga makatatanan.

Read full chapter