Deuteronomio 15:7-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 “Pagdating(A) ninyo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang mga kababayan ninyong nangangailangan. 8 Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.
Read full chapter
Mga Kawikaan 19:17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap,
at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.
Ecclesiastico 3:30-4:6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagtulong sa Maralita
30 Kung ang tubig ay pumapatay ng apoy,
ang pagkakawanggawa ay pumapawi ng kasalanan.
31 Ang gumagawa ng mabuti sa kapwa ay naghahanda para sa kinabukasan,
sapagkat kapag siya naman ang nagipit, mayroon siyang masasandalan.
4 Anak, huwag mong aalisan ng ikabubuhay ang mahihirap
at huwag mong paghihintayin ang nangangailangan.
2 Huwag mong dudustain ang nagugutom,
at huwag mong gagalitin ang taong nasa mahigpit na pangangailangan.
3 Huwag mong dadagdagan ng suliranin ang taong masama ang loob,
at huwag mong ipagpaliban ang pagtulong sa maralita.
4 Huwag mong tatanggihan ang hiling ng nasa kasawian;
huwag mong tatalikuran ang taong dukha.
5 Huwag mong iiwasan ang nangangailangan;
huwag mo siyang bibigyan ng dahilang sumpain ka.
6 Kung sumpain ka niya sa gitna ng mapait niyang karanasan,
diringgin ng Maykapal ang kanyang dalangin.
1 Juan 3:17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos?
Read full chapter