Deuteronomio 15:7-8
Ang Biblia (1978)
7 Kung magkaroon sa iyo ng isang dukha, na isa sa iyong mga kapatid, na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan sa iyong lupaing ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, (A)ay huwag mong pagmamatigasin ang iyong puso, ni pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid:
8 (B)Kundi iyo ngang bubukhin ang iyong kamay sa kaniya, at iyo ngang pauutangin siya ng sapat sa kaniyang kailangan sa kaniyang kinakailangan.
Read full chapter
Deuteronomio 15:10
Ang Biblia (1978)
10 Siya nga'y bibigyan mo, at ang (A)iyong puso'y huwag magdamdam pagka binibigyan mo siya; (B)sapagka't dahil sa bagay na ito'y pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng iyong gawa, at sa lahat ng hipuin ng iyong kamay.
Read full chapter
Mga Kawikaan 28:27
Ang Biblia (1978)
27 (A)Siyang nagbibigay sa dukha ay hindi masasalat:
Nguni't siyang nagkukubli ng kaniyang mga mata ay magkakaroon ng maraming sumpa.
Mateo 10:42
Ang Biblia (1978)
42 At (A)sinomang magpainom sa isa sa maliliit na ito ng kahit isang sarong tubig na malamig, dahil sa pangalang alagad, katotohanang sinasabi ko sa inyo na hindi mawawala ang ganti sa kaniya.
Read full chapter
Mateo 25:40
Ang Biblia (1978)
40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.
Read full chapter
2 Corinto 9:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Datapuwa't sinasabi ko, (A)Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana.
7 Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag (B)mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
8 At maaaring (C)gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa:
Read full chapter
Mga Hebreo 6:10
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't ang (A)Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong (B)paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978