Add parallel Print Page Options

19 “Lahat(A) ng panganay na lalaki na ipinanganak sa iyong bakahan at sa iyong kawan ay iyong itatalaga sa Panginoon mong Diyos. Huwag mong pagtatrabahuhin ang panganay ng iyong baka, ni gugupitan ang panganay ng iyong kawan.

20 Kakainin mo ito, ikaw at ng iyong sambahayan sa harapan ng Panginoon mong Diyos taun-taon sa lugar na pipiliin ng Panginoon.

21 At kung ito ay may anumang kapintasan, pilay o bulag, anumang masamang kapintasan, ay huwag mong ihahandog sa Panginoon mong Diyos.

Read full chapter