Deuteronomio 14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Maling Kaugalian ng Pagluluksa
14 “Kayo(A) ang mga anak ng Diyos ninyong si Yahweh. Kung ang isang mahal sa buhay ay mamatay, huwag ninyong hihiwaan ang inyong sarili ni aahitan ang inyong noo upang ipakita lamang na kayo'y nagluluksa. 2 Kayo(B) ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
Ang Malilinis at ang Maruruming Hayop(C)
3 “Huwag kayong kakain ng anumang bagay na marumi. 4 Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: baka, tupa, kambing, 5 usa, gacela, kambing bundok, antilope, at tupang bundok. 6 Maaari rin ninyong kainin ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. 7 Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkain mula sa sikmura. Huwag din ninyong kakainin iyong ngumunguya ngunit hindi biyak ang kuko, tulad ng kamelyo, kuneho, at dagang bukid. Ang mga ito ay marurumi. 8 Ang baboy ay dapat ding ituring na marumi sapagkat biyak man ang kuko, hindi naman ito ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Huwag ninyo itong kakainin ni hahawakan ang kanilang bangkay.
9 “Sa mga nilikha sa tubig, ang lahat ng may palikpik at kaliskis ay maaari ninyong kainin. 10 Huwag ninyong kakainin ang mga walang kaliskis at walang palikpik; ito ay marurumi.
11-18 “Maaari ninyong kainin ang malilinis na ibon. Ngunit ito ang mga ibon na huwag ninyong kakainin: agila, buwitre, agilang dagat; azor, falcon, at lahat ng uri ng milano; lahat ng uri ng uwak; ang ostrits, kuwago, gaviota, at lahat ng uri ng lawin; lahat ng uri ng kuwago, sisne, pelicano, buwitre, somormuho; lahat ng uri ng tagak, abudilla, kabag, at paniki.
19 “Lahat ng kulisap na may pakpak ay marurumi. Huwag ninyong kakainin ang mga ito. 20 Maaari ninyong kainin ang anumang malilinis na ibon maliban sa mga nabanggit.
21 “Huwag(D) ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh.
“Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.
Ang Tuntunin tungkol sa Ikasampung Bahagi
22 “Kukunan(E) ninyo ng ikasampung bahagi ang inyong ani taun-taon. 23 Ang ikasampung bahagi ng inyong ani, alak, langis, at ang panganay ng inyong mga alagang hayop ay doon ninyo kakainin sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Yahweh upang siya'y inyong maparangalan. 24 Kung malayo ang lugar na pipiliin niya at magiging mahirap dalhin doon ang ikasampung bahagi ng inyong ani, 25 ipagbili ninyo iyon, at dalhin ang pinagbilhan sa lugar na pinili niya. 26 Pagdating doon, bumili kayo ng anumang gusto ninyo: baka, tupa, alak, o inuming nais ninyo at siya ninyong pagsalu-saluhang mag-anak bilang pagdiriwang sa harapan ng Diyos ninyong si Yahweh. 27 Ngunit huwag ninyong kalilimutang bigyan ang mga Levita sa inyong lugar, yamang sila'y walang kaparte sa lupaing minana ninyo.
28 “Tipunin ninyo ang ikasampung bahagi ng inyong ani tuwing ikatlong taon. 29 Ito ay ibibigay ninyo sa mga Levita yamang wala silang kaparte sa inyong lupain. Bibigyan din ninyo ang mga dayuhang kasama ninyo, ang mga ulila, at ang mga balo. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain kayo ni Yahweh sa lahat ng inyong mga gawain.
Deuteronomio 14
Ang Dating Biblia (1905)
14 Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay.
2 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
3 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.
4 Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,
5 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.
6 At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.
7 Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;
8 At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.
9 At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:
10 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.
11 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.
12 Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;
13 At ang ixio, at ang halkon, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;
14 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;
15 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;
16 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;
17 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;
18 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.
19 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: hindi kakanin.
20 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.
21 Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
22 Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.
23 At iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.
24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:
25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:
26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;
27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay huwag mong pababayaan: sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.
28 Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
29 At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.
Deuteronomio 14
Ang Biblia (1978)
Pagiiba ng ayos ng katawan dahil sa patay ay ipinagbawal. Malinis at di malinis na hayop.
14 (A)Kayo'y mga anak ng Panginoon ninyong Dios: (B)huwag kayong magkukudlit, ni magpapakakalbo sa pagitan ng inyong mga mata, ng dahil sa patay.
2 (C)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon (D)upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
3 (E)Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay.
4 (F)Ito ang mga hayop na inyong makakain: ang baka, ang tupa, at ang kambing,
5 Ang malaking usa, at ang maliit na usa, at ang lalaking usa, at ang mabangis na kambing, at ang pigargo, at ang antilope, at ang gamuza.
6 At bawa't hayop na may hati ang paa, at baak, at ngumunguya sa mga hayop, ay inyong makakain.
7 Gayon ma'y ang mga ito ay hindi kakanin sa mga ngumunguya, o sa baak ang paa: ang kamelyo, at ang liebre, at ang coneho, sapagka't sila'y ngumunguya, nguni't walang hati ang paa; mga marumi sa inyo;
8 At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, (G)at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.
9 At ang mga ito'y inyong makakain sa lahat ng nasa tubig: anomang may mga kaliskis at mga palikpik, ay inyong makakain:
10 At anomang walang kaliskis at palikpik, ay huwag ninyong kakanin; marumi nga ito sa inyo.
11 Sa lahat ng ibong malinis ay makakakain kayo.
12 Nguni't ang mga ito'y hindi ninyo makakain: ang aguila, at ang aguilang dumudurog ng mga buto, at ang aguilang dagat;
13 At ang (H)ixio, at ang halkon, at ang (I)lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;
14 At lahat na uwak ayon sa kanilang pagkauwak;
15 At ang avestruz, at ang chotacabras, at ang graviota, at ang lawin ayon sa kaniyang pagkalawin;
16 Ang munting kuwago, at ang malaking kuwago, at ang kuwagong tila may sungay;
17 At ang pelikano, at ang buitre, at ang somormuho;
18 At ang ciguena at ang tagak, ayon sa kanilang pagkatagak; at ang abubilla, at ang kabagkabag.
19 At lahat ng may pakpak na umuusad, ay marumi sa inyo: (J)hindi kakanin.
20 Sa lahat ng ibong malinis ay kayo'y makakakain.
21 (K)Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang (L)nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. (M)Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
22 (N)Iyo ngang pagsasangpuing bahagi ang lahat na bunga ng iyong binhi na nanggagaling taontaon sa iyong bukid.
23 At (O)iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin na patatahanan sa kaniyang pangalan, ang ikasangpung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, (P)at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan; upang magaral kang matakot sa Panginoon mong Dios na palagi.
24 At kung ang daan ay totoong mahaba sa ganang iyo, na ano pa't hindi mo madadala, (Q)sapagka't totoong malayo sa iyo ang dako, na pipiliin ng Panginoon mong Dios na paglalagyan ng kaniyang pangalan, pagka ikaw ay pagpapalain ng Panginoon mong Dios:
25 Ay iyo ngang sasalapiin, at iyong itatali ang salapi sa iyong kamay at paroroon ka sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios:
26 At iyong gugulin ang salapi sa anomang nasain mo sa mga baka, o sa mga tupa, o sa alak, o sa matapang na inumin, o sa anomang nasain ng iyong kaluluwa: at (R)iyong kakanin doon sa harap ng Panginoon mong Dios, at ikaw ay magagalak, ikaw at ang iyong sangbahayan;
27 At ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay (S)huwag mong pababayaan: (T)sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo.
28 (U)Sa katapusan ng bawa't tatlong taon ay iyong kukunin ang buong ikasangpung bahagi ng iyong bunga ng taong yaon, at iyong ilalagay sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
29 At ang Levita, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama mo, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nangasa loob ng iyong mga pintuang-daan, ay magsisiparoon at magsisikain at mangabubusog; (V)upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong kamay sa iyong ginagawa.
Deuteronomy 14
New International Version
Clean and Unclean Food(A)
14 You are the children(B) of the Lord your God. Do not cut yourselves or shave the front of your heads for the dead, 2 for you are a people holy(C) to the Lord your God.(D) Out of all the peoples on the face of the earth, the Lord has chosen you to be his treasured possession.(E)
3 Do not eat any detestable thing.(F) 4 These are the animals you may eat:(G) the ox, the sheep, the goat,(H) 5 the deer,(I) the gazelle, the roe deer, the wild goat,(J) the ibex, the antelope and the mountain sheep.[a] 6 You may eat any animal that has a divided hoof and that chews the cud. 7 However, of those that chew the cud or that have a divided hoof you may not eat the camel, the rabbit or the hyrax. Although they chew the cud, they do not have a divided hoof; they are ceremonially unclean for you. 8 The pig is also unclean; although it has a divided hoof, it does not chew the cud. You are not to eat their meat or touch their carcasses.(K)
9 Of all the creatures living in the water, you may eat any that has fins and scales. 10 But anything that does not have fins and scales you may not eat; for you it is unclean.
11 You may eat any clean bird. 12 But these you may not eat: the eagle, the vulture, the black vulture, 13 the red kite, the black kite, any kind(L) of falcon,(M) 14 any kind of raven,(N) 15 the horned owl, the screech owl, the gull, any kind of hawk, 16 the little owl, the great owl, the white owl, 17 the desert owl,(O) the osprey, the cormorant, 18 the stork, any kind of heron, the hoopoe and the bat.
19 All flying insects are unclean to you; do not eat them. 20 But any winged creature that is clean you may eat.(P)
21 Do not eat anything you find already dead.(Q) You may give it to the foreigner residing in any of your towns, and they may eat it, or you may sell it to any other foreigner. But you are a people holy to the Lord your God.(R)
Do not cook a young goat in its mother’s milk.(S)
Tithes
22 Be sure to set aside a tenth(T) of all that your fields produce each year. 23 Eat(U) the tithe of your grain, new wine(V) and olive oil, and the firstborn of your herds and flocks in the presence of the Lord your God at the place he will choose as a dwelling for his Name,(W) so that you may learn(X) to revere(Y) the Lord your God always. 24 But if that place is too distant and you have been blessed by the Lord your God and cannot carry your tithe (because the place where the Lord will choose to put his Name is so far away), 25 then exchange(Z) your tithe for silver, and take the silver with you and go to the place the Lord your God will choose. 26 Use the silver to buy whatever you like: cattle, sheep, wine or other fermented drink,(AA) or anything you wish. Then you and your household shall eat there in the presence of the Lord your God and rejoice.(AB) 27 And do not neglect the Levites(AC) living in your towns, for they have no allotment or inheritance of their own.(AD)
28 At the end of every three years, bring all the tithes(AE) of that year’s produce and store it in your towns,(AF) 29 so that the Levites (who have no allotment(AG) or inheritance(AH) of their own) and the foreigners,(AI) the fatherless and the widows who live in your towns may come and eat and be satisfied,(AJ) and so that the Lord your God may bless(AK) you in all the work of your hands.
Footnotes
- Deuteronomy 14:5 The precise identification of some of the birds and animals in this chapter is uncertain.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

