Font Size
Deuteronomio 14:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Deuteronomio 14:21-23
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
21 “Huwag(A) ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh.
“Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.
Ang Tuntunin tungkol sa Ikasampung Bahagi
22 “Kukunan(B) ninyo ng ikasampung bahagi ang inyong ani taun-taon. 23 Ang ikasampung bahagi ng inyong ani, alak, langis, at ang panganay ng inyong mga alagang hayop ay doon ninyo kakainin sa lugar na pipiliin ng Diyos ninyong si Yahweh upang siya'y inyong maparangalan.
Read full chapter