Add parallel Print Page Options

21 “Huwag(A) kayong kakain ng anumang bagay na kusang namatay; maaari mong ibigay sa dayuhang nasa loob ng iyong mga bayan, upang kanyang kainin; o maaari mong ipagbili sa dayuhan; sapagkat ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Diyos.

“Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kanyang ina.”

Ang Kautusan tungkol sa Ikapu

22 “Kukunan(B) mo ng ikasampung bahagi ang lahat ng bunga ng iyong binhi na nanggagaling sa iyong bukid taun-taon.

23 Iyong kakainin sa harapan ng Panginoon mong Diyos, sa dakong kanyang pipiliin na patatahanan sa kanyang pangalan, ang ikasampung bahagi ng iyong trigo, ng iyong alak at ng iyong langis, at ang mga panganay sa iyong bakahan at sa iyong kawan upang lagi kang matutong matakot sa Panginoon mong Diyos.

Read full chapter