Add parallel Print Page Options

Dapat patayin ang propeta o ang tagapagpaliwanag ng panaginip dahil itinuturo niyang magrebelde kayo sa Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto at nagligtas sa inyo sa pagkaalipin. Tinatangka ng mga taong ito na ilayo kayo sa mga pamamaraang iniutos ng Panginoon na inyong Dios na sundin ninyo. Sa pamamagitan nito, mawawala ang masasamang gawa sa inyong bansa.

“Halimbawang ang iyong kapatid o anak, o ang iyong minamahal na asawa o ang pinakamatalik mong kaibigan ay lihim kang hinikayat at sabihing, ‘Halika, sumamba tayo sa ibang mga dios’ (mga dios na hindi pa natin nakikilala maging ng ating mga ninuno. Kapag hinikayat ka niyang sambahin ang mga dios na sinasamba ng mga tao sa paligid ninyo o ng mga tao sa malalayong lugar),

Read full chapter