Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Pagsamba sa mga Dios-diosan

13 “Kung may isang propeta o tagapagpaliwanag ng panaginip na nangako sa inyo, na magpapakita siya ng mga himala at kamangha-manghang bagay, at nangyari ang sinabi niya, at sabihin niya sa inyo, ‘Sumunod tayo at sumamba sa ibang mga dios na hindi pa natin nakikilala.’ Huwag kayong maniwala sa kanya, dahil sinusubukan lang kayo ng Panginoon na inyong Dios kung minamahal nʼyo ba siya nang buong pusoʼt kaluluwa.

Read full chapter