Add parallel Print Page Options

18 (A)Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.

19 (B)Ingatan mong huwag mong pabayaan ang Levita samantalang nabubuhay ka sa iyong lupain.

20 Pagka palalakihin ng Panginoon mong Dios ang iyong hangganan, (C)gaya ng kaniyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, Ako'y kakain ng karne, sapagka't nasa mong kumain ng karne; ay makakakain ka ng karne, ayon sa buong nasa mo.

Read full chapter