Add parallel Print Page Options

21 Narito, inilalagay ng Panginoon ninyong Dios ang lupain sa harap mo: sampahin mo, ariin mo, na gaya ng sinalita sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang; (A)huwag kang matakot, ni manglupaypay.

22 At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin.

23 At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at (B)ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi.

Read full chapter