Add parallel Print Page Options

17 (A)Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang (B)kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, (C)ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin.

18 At aking iniutos sa inyo nang panahong yaon ang lahat ng mga bagay na inyong dapat gagawin.

Ang pagpapadala ng mga tiktik.

19 At tayo ay naglakbay mula sa Horeb (D)at ating tinahak yaong buong malawak at kakilakilabot na ilang na inyong nakita, sa daang patungo sa lupaing maburol ng mga Amorrheo, na gaya ng iniutos ng Panginoon nating Dios sa atin, (E)at tayo'y dumating sa Cades-barnea.

Read full chapter