Add parallel Print Page Options

10 (A)Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan,
At ng iyong mga kautusan, sa Israel;
(B)Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo,
At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.

Read full chapter

(A)Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay (B)at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:

Read full chapter

At kasama nila ang mga Levita, na si Semeias, at si Nethanias, at si Zebadias, at si Asael, at si Semiramoth, at si Jonathan, at si Adonias, at si Tobias, at si Tob-adonias, na mga Levita; at kasama nila si Elisama, at si Joram na mga saserdote.

At sila'y nangagturo sa Juda, na may aklat ng kautusan ng Panginoon; at sila'y nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan.

Read full chapter

22 At si Ezechias ay nagsalitang may kagandahang loob sa lahat na Levita (A)sa mga matalino sa paglilingkod sa Panginoon. Sa gayo'y nagsikain sila sa buong kapistahan sa loob ng pitong araw, na nangaghahandog ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, at (B)nangagpahayag ng kasalanan sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.

Read full chapter

10 Sapagka't inilagak ni Ezra ang kaniyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin, at upang (A)magturo sa Israel ng mga palatuntunan at mga kahatulan.

Read full chapter

Sapagka't (A)ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; (B)sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter