Add parallel Print Page Options

Ang Malilinis at ang Maruruming Hayop(A)

“Huwag kayong kakain ng anumang bagay na marumi. Ito ang mga hayop na maaari ninyong kainin: baka, tupa, kambing, usa, gacela, kambing bundok, antilope, at tupang bundok. Maaari rin ninyong kainin ang lahat ng hayop na biyak ang kuko at ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Ngunit huwag ninyong kakainin ang mga hayop na biyak ang kuko ngunit hindi ngumunguya ng pagkain mula sa sikmura. Huwag din ninyong kakainin iyong ngumunguya ngunit hindi biyak ang kuko, tulad ng kamelyo, kuneho, at dagang bukid. Ang mga ito ay marurumi. Ang baboy ay dapat ding ituring na marumi sapagkat biyak man ang kuko, hindi naman ito ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Huwag ninyo itong kakainin ni hahawakan ang kanilang bangkay.

“Sa mga nilikha sa tubig, ang lahat ng may palikpik at kaliskis ay maaari ninyong kainin. 10 Huwag ninyong kakainin ang mga walang kaliskis at walang palikpik; ito ay marurumi.

11-18 “Maaari ninyong kainin ang malilinis na ibon. Ngunit ito ang mga ibon na huwag ninyong kakainin: agila, buwitre, agilang dagat; azor, falcon, at lahat ng uri ng milano; lahat ng uri ng uwak; ang ostrits, kuwago, gaviota, at lahat ng uri ng lawin; lahat ng uri ng kuwago, sisne, pelicano, buwitre, somormuho; lahat ng uri ng tagak, abudilla, kabag, at paniki.

19 “Lahat ng kulisap na may pakpak ay marurumi. Huwag ninyong kakainin ang mga ito. 20 Maaari ninyong kainin ang anumang malilinis na ibon maliban sa mga nabanggit.

21 “Huwag(B) ninyong kakainin ang anumang hayop na basta na lamang namatay. Maaari ninyo itong ibigay o ipagbili sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo. Ito'y sa dahilang kayo'y sambayanang inilaan sa Diyos ninyong si Yahweh.

“Huwag kayong maglalaga ng tupa o batang kambing sa gatas ng sarili nitong ina.

Read full chapter