Font Size
Deuteronomio 6:4-9
Magandang Balita Biblia
Deuteronomio 6:4-9
Magandang Balita Biblia
4 “Pakinggan(A) mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh.[a] 5 Ibigin(B) mo si Yahweh na iyong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa at buong lakas. 6 Ang(C) mga utos niya'y itanim ninyo sa inyong puso. 7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga. 8 Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, 9 isulat sa mga hamba ng pintuan ng inyong bahay at mga tarangkahan.
Read full chapterFootnotes
- Deuteronomio 6:4 Si Yahweh…tanging Yahweh: o kaya'y Si Yahweh ang ating Diyos, si Yahweh ay iisa, o Si Yahweh na ating Diyos, si Yahweh ay iisa lang .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
