Add parallel Print Page Options

Nang unang taon ni Dario na anak ni Assuero, sa lahi ng mga taga Media, na ginawang hari sa kaharian ng mga taga Caldea;

Nang unang taon ng kaniyang paghahari akong si Daniel ay nakaunawa sa pamamagitan ng mga aklat, ng bilang ng mga taon, na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, dahil sa pagkaganap ng pagkasira ng Jerusalem, pitong pung taon.

At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.

At ako'y nanalangin sa Panginoon kong Dios, at ako'y nagpahayag ng kasalanan, at nagsabi, Oh Panginoon, Dios na dakila at kakilakilabot, na nagiingat ng tipan at kaawaan sa nagsisiibig sa iyo at nangagiingat ng iyong mga utos,

Kami ay nangagkasala, at nangagasal ng kasuwalian, at nagsigawang may kasamaan, at nanganghimagsik, sa makatuwid baga'y nagsitalikod sa iyong mga utos at sa iyong mga kahatulan;

Na hindi man kami nangakinig sa iyong mga lingkod na mga propeta, na nangagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, at sa buong bayan ng lupain.

Oh Panginoon, katuwira'y ukol sa iyo, nguni't sa amin ay pagkagulo ng mukha gaya sa araw na ito; sa mga tao ng Juda, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa buong Israel, na malapit, at malayo, sa lahat na lupain na iyong pinagtabuyan dahil sa kanilang pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa iyo.

Oh Panginoon, sa amin nauukol ang pagkagulo ng mukha, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga magulang, sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

Sa Panginoon naming Dios ukol ang kaawaan at kapatawaran; sapagka't kami ay nanganghimagsik laban sa kaniya;

10 Ni hindi man namin tinalima ang tinig ng Panginoon naming Dios, upang lumakad ng ayon sa kaniyang mga kautusan, na kaniyang inilagay sa harap namin sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na propeta.

11 Oo, buong Israel ay sumalangsang ng iyong kautusan, sa pagtalikod, upang huwag nilang talimahin ang iyong tinig: kaya't ang sumpa ay nabuhos sa amin, at ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios; sapagka't kami ay nangagkasala laban sa kaniya.

12 At kaniyang pinagtibay ang kaniyang mga salita, na kaniyang sinalita laban sa amin, at laban sa aming mga hukom na nagsihatol sa amin, sa pagbabagsak sa amin ng malaking kasamaan; sapagka't sa silong ng buong langit ay hindi ginawa ang gaya ng ginawa sa Jerusalem.

13 Kung ano ang nasusulat sa kautusan ni Moises, lahat ng kasamaang ito'y nagsidating sa amin: gayon ma'y hindi namin idinalangin ang biyaya ng Panginoon naming Dios, upang aming talikuran ang aming mga kasamaan, at gunitain ang iyong katotohanan.

14 Kaya't iniingatan ng Panginoon ang kasamaan, at ibinagsak sa amin; sapagka't ang Panginoon naming Dios ay matuwid sa lahat ng kaniyang mga gawa na kaniyang ginagawa, at hindi namin dininig ang kaniyang tinig.

15 At ngayon, Oh Panginoon naming Dios, na naglabas ng iyong bayan mula sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng makapangyarihang kamay, at ikaw ay nabantog gaya sa araw na ito; kami ay nangagkasala, kami ay nagsigawa na may kasamaan.

16 Oh Panginoon, ayon sa iyong buong katuwiran, isinasamo ko sa iyo, na ang iyong galit at kapusukan ay mahiwalay sa iyong bayang Jerusalem, na iyong banal na bundok; sapagka't dahil sa aming mga kasalanan, at dahil sa mga kasamaan ng aming mga magulang, ang Jerusalem at ang iyong bayan ay naging kakutyaan sa lahat na nangasa palibot namin.

17 Kaya nga, Oh aming Dios, iyong dinggin ang panalangin ng iyong lingkod, at ang kaniyang mga samo, at paliwanagin mo ang iyong mukha sa iyong santuario na sira, alangalang sa Panginoon.

18 Oh Dios ko, ikiling mo ang iyong tainga, at iyong dinggin; idilat mo ang iyong mga mata, at masdan mo ang aming mga kasiraan, at ang bayan na tinatawag sa iyong pangalan: sapagka't hindi namin inihaharap ang aming mga samo sa harap mo dahil sa aming mga katuwiran, kundi dahil sa iyong dakilang mga kaawaan.

19 Oh Panginoon, dinggin mo; Oh Panginoon, patawarin mo; Oh Panginoon, iyong pakinggan at gawin; huwag mong ipagpaliban, alangalang sa iyong sarili, Oh Dios ko, sapagka't ang iyong bayan at ang iyong mga tao ay tinatawag sa iyong pangalan.

20 At samantalang ako'y nagsasalita, at nananalangin, at nagpapahayag ng aking kasalanan at ng kasalanan ng aking bayang Israel, at naghaharap ng aking samo sa harap ng Panginoon kong Dios dahil sa banal na bundok ng aking Dios;

21 Oo, samantalang ako'y nagsasalita sa panalangin, ang lalaking si Gabriel, na aking nakita sa pangitain nang una, na pinalipad ng maliksi, hinipo ako sa panahon ng pagaalay sa hapon.

22 At kaniya akong tinuruan, at nakipagsalitaan sa akin, at nagsabi, Oh Daniel, ako'y lumabas ngayon upang bigyan ka ng karunungan at kaunawaan.

23 Sa pasimula ng iyong mga samo ay lumabas ang utos, at ako'y naparito upang saysayin sa iyo; sapagka't ikaw ay totoong minahal: kaya't gunitain mo ang bagay, at unawain mo ang pangitain.

24 Pitong pung sanglinggo ang ipinasiya sa iyong mga tao at sa iyong banal na bayan, upang tapusin ang pagsalangsang, at upang wakasan ang pagkakasala, at upang linisin sa kasamaan, at upang dalhan ng walang hanggang katuwiran, at upang tatakan ang pangitain at ang panghuhula, at upang pahiran ang kabanalbanalan.

25 Iyo ngang talastasin at bulayin, na mula sa paglabas ng utos na isauli at itayo ang Jerusalem sa pinahiran na prinsipe, magiging pitong sanglinggo, at anim na pu't dalawang sanglinggo: ito'y matatayo uli, na may lansangan at kuta, sa makatuwid baga'y sa mga panahong mabagabag.

26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.

27 At pagtitibayin niya ang tipan sa marami sa isang sanglinggo: at sa kalahati ng sanglinggo ay kaniyang ipatitigil ang hain at ang alay; at sa pakpak ng mga kasuklamsuklam ay paroroon ang isang maninira; at hanggang sa wakas, at pagkapasiya ay mabubuhos ang poot sa maninira.

Daniel Confesses Israel’s Sins

“In the first year of Darius the son of Ahasuerus, of Median descent, who was made king over the realm of the Chaldeans, in the first year of his reign—I, Daniel, understood from the books that according to the word of Adonai to Jeremiah the prophet, the number of the years for the fulfilling of the desolation of Jerusalem would be 70 years. So I set my face to the Lord God to seek Him by prayer and supplications, with fasting, sackcloth and ashes.

“I prayed to Adonai my God and confessed, saying: ‘O Lord, the great and awesome God, who keeps covenant and mercy with those who love Him and keep His mitzvot, we have sinned; we have committed iniquity; we have acted wickedly; we have rebelled; we have turned away from Your mitzvot and from Your rulings. We have not listened to Your servants the prophets,[a] who spoke in Your name to our kings, our leaders and our fathers, and to all the people of the land.

“‘You Lord are righteousness, but shame covers our face to this day—the people of Judah and the inhabitants of Jerusalem, and all Israel, near and far, in all the countries where you have banished them—because they behaved unfaithfully toward you. Adonai, shame covers our face—our kings, our leaders, our fathers—because we have sinned against you. The Lord our God is compassionate and forgiving, even though we have rebelled against Him. 10 We have not obeyed the voice of Adonai Eloheinu by walking in His Torah that He set before us through His servants the prophets. 11 Yes, all Israel has transgressed Your Torah and has turned away—not obeying Your voice.

“‘Therefore the curse and sworn judgment written in the Torah of Moses the servant of God has been poured out upon us, for we have sinned against Him. 12 So He has confirmed His words that he spoke against us and against our rulers who ruled over us by bringing on us a great calamity. Under the whole heaven nothing like this has ever been done to Jerusalem! [b] 13 As it is written in the Torah of Moses, all this calamity came on us, yet we have not sought the favor of Adonai Eloheinu by turning away from our iniquities and paying attention to Your truth. 14 So Adonai was intent on bringing the calamity upon us, for Adonai Eloheinu is righteous in all His deeds that He has done—while we have not paid attention to His voice.

15 “‘So now, Adonai Eloheinu, who brought Your people out of the land of Egypt with a mighty hand and made for Yourself a Name to this day—we have sinned, we have acted wickedly. 16 Lord, in keeping with all Your righteous acts, let Your anger and Your fury turn away, please, from Jerusalem, Your city, Your holy mountain. Because of our sins and the iniquities of our fathers, Jerusalem and Your people have become an object of scorn to all those around us.

17 ‘So now, our God, listen to the prayers and petitions of Your servant, and cause Your face to shine upon Your devastated Sanctuary, for the sake of my Lord. 18 Give ear, my God, and hear! Open Your eyes and see our desolation and the city called by Your name. We do not present our supplications before You because of our own righteousness, but because of Your great compassions. 19 Lord, hear! Lord, forgive! Lord, listen and act! For Your own sake, O my God, do not delay! For Your city and Your people are called by Your name.’

The Mashiach and Seventy Weeks

20 “While I was still speaking and praying, confessing my sin and the sin of my people Israel, and presenting my supplication before Adonai my God on behalf of the holy mountain of my God— 21 yes, while I was praying, Gabriel, the one I had seen in the earlier vision,[c] came to me swiftly about the time of the evening offering.

22 “He instructed me and said to me: ‘Daniel, I have come now to give you insight and understanding. 23 At the beginning of your requests, a message went out, and I have come to declare it to you, for you are greatly esteemed. Therefore consider the message and understand the vision:

24 “Seventy weeks[d] are decreed concerning your people and your holy city,
to put an end to transgression
to bring sin to an end,
to atone for iniquity,
to bring in everlasting righteousness,
to seal up vision and prophecy,
and to anoint the Holy of Holies.

25 So know and understand:

From the issuing of the decree to restore and to build Jerusalem until the time Mashiach,[e] the Prince, there shall be seven weeks and 62 weeks.

It will be rebuilt, with plaza and moat, but it will be in times of distress.

26 Then after the 62 weeks Mashiach will be cut off and have nothing.[f]

Then the people of a prince who is to come will destroy the city and the sanctuary.[g] But his end will come like a flood. Until the end of the war that is decreed there will be destruction.

27 Then he will make a firm covenant with many for one week, but in the middle of the week he will put an end to sacrifice and offering.

And on a wing of abominations will come one who destroys,[h] until the decreed annihilation is poured out on the one who destroys.’”