Add parallel Print Page Options

Nanalangin si Daniel para sa mga Israelita

1-2 Si Darius na taga-Media na anak ni Ahasuerus[a] ang hari noon sa buong Babilonia. Noong unang taon ng paghahari niya, nalaman ko sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng 70 taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias. Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Dios at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.[b] Nanalangin ako sa Panginoon na aking Dios at humingi ng tawad para sa aming mga kasalanan:

“Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Dios. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos. Nagkasala kami sa inyo. Gumawa kami ng kasamaan at sumuway sa inyong mga utos at tuntunin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:1-2 Ahasuerus: Ibang pangalan ni Xerxes.
  2. 9:3 nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo: Itoʼy ginagawa ng mga Judio upang ipakita na nalulungkot sila at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.

17 “Kaya ngayon, O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panalangin at pagsamo. Alang-alang sa inyong pangalan, muli nʼyong itayo ang inyong templong[a] nagiba at napabayaan. 18 O Dios, pakinggan nʼyo ako. Tingnan nʼyo ang nakakawa naming kalagayan at ang wasak nʼyong bayan, kung saan kinikilala ang iyong pangalan. Hindi kami dumadalangin sa dahilang kami ay matuwid, kundi dahil sa alam naming kayo ay mahabagin. 19 Panginoon, dinggin nʼyo po kami at patawarin. Tulungan nʼyo kami agad alang-alang sa inyong pangalan, dahil kayo ay kinikilalang Dios sa inyong bayan at ng inyong mga mamamayan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:17 muli nʼyong itayo ang inyong templo: sa literal, paliwanagin nʼyong muli ang inyong mukha sa inyong templo.