Add parallel Print Page Options

Ang Pangitain ni Daniel Tungkol sa Tupa at Kambing

Nang ikatlong taon ng paghahari ni Belshazar, muli akong nagkaroon ng pangitain. Sa pangitain ko, nakita kong nakatayo ako sa pampang ng Ilog ng Ulai, sa napapaderang lungsod ng Susa sa lalawigan ng Elam. May nakita akong barakong tupa na nakatayo sa tabi ng ilog. Mayroon itong dalawang mahahabang sungay, pero mas mahaba ang isang sungay nito kaysa sa isa kahit na huli itong tumubo. Nakita kong nanunuwag ito kahit saan mang lugar. Walang ibang hayop na makapigil sa kanya at wala ring makatakas sa kanya. Nagagawa niya ang gusto niyang gawin, kaya naging makapangyarihan siya.

Habang itoʼy tinitingnan ko, biglang dumating ang isang kambing mula sa kanluran. Umikot ito sa buong mundo na hindi sumasayad ang paa sa lupa sa sobrang bilis. Mayroon siyang kakaibang sungay sa gitna ng kanyang mga mata. Sinugod niya nang buong lakas ang tupang may dalawang sungay na nakita kong nakatayo sa pampang ng ilog. Sa matinding galit, hindi niya tinigilan ng pagsuwag ang tupa hanggang sa naputol ang dalawang sungay nito. Hindi na makalaban ang tupa, kaya nabuwal ito at tinapak-tapakan ng kambing. Walang sumaklolo sa kanya. Naging makapangyarihan pa ang kambing. Pero nang nasa sukdulan na ang kapangyarihan niya, nabali ang kanyang sungay. Kapalit nito ay may tumubong apat na pambihirang sungay na nakatutok sa apat na direksyon ng mundo.

Ang isa sa kanila ay tinubuan ng isang maliit na sungay. Naging makapangyarihan itong sungay sa timog at sa silangan hanggang sa magandang lupain ng Israel. 10 Lalo pa siyang naging makapangyarihan hanggang sa kalangitan, at pinabagsak niya sa lupa ang ilang mga nilalang sa langit at mga bituin, at tinapak-tapakan niya ang mga iyon. 11 Itinuring niya ang kanyang sarili na higit na makapangyarihan kaysa sa Pinuno ng mga nilalang sa langit. Pinatigil niya ang araw-araw na paghahandog sa templo ng Dios, at nilapastangan niya ang templo. 12 Sa ginawa niyang iyon, ipinasakop sa kanya ang mga nilalang sa langit at ang araw-araw na paghahandog. Binalewala niya ang katotohanan, at nagtagumpay siya sa kanyang mga ginawa.

13 Narinig kong nag-uusap ang dalawang anghel. Ang isang anghel ay nagtatanong sa isa, “Hanggang kailan kaya tatagal ang mga pangyayaring ito na nasa pangitain? Ang pagpapatigil sa araw-araw na paghahandog, ang paglapastangan sa templo na magiging dahilan para pabayaan ito, at ang pagyurak sa mga nilalang sa langit?” 14 Sumagot ang isa, “Itoʼy mangyayari sa loob ng 2,300 umaga at hapon,[a] at pagkatapos ay lilinisin ang templo.”

Ipinaliwanag ni Gabriel ang Kahulugan ng Pangitain

15 Habang nakatingin ako sa pangitaing iyon at nag-iisip kung ano ang kahulugan noon, biglang tumayo sa harap ko ang parang tao. 16 Pagkatapos, may narinig akong tinig ng tao mula sa Ilog ng Ulai na nagsabi, “Gabriel, ipaliwanag mo sa kanya ang kahulugan ng pangitain.”

17 Nang lumapit si Gabriel sa akin, nagpatirapa ako sa takot. Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, dapat mong maintindihan na ang iyong pangitain ay tungkol sa katapusan ng panahon.” 18 Habang nakikipag-usap siya sa akin, nawalan ako ng malay at napadapa sa lupa. Pero hinawakan niya ako at ibinangon. 19 Sinabi niya, “Sasabihin ko sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag ibinuhos na ng Dios ang kanyang galit, dahil naitakda na ang katapusan ng panahon. 20 Ang tupang may dalawang sungay ay ang kaharian ng Media at Persia. 21 Ang kambing naman ay ang kaharian ng Grecia, at ang malaking sungay sa gitna ng kanyang mga mata ay ang unang hari. 22 Ang apat na sungay na tumubo pagkatapos maputol ang unang sungay ay ang apat na kaharian ng Grecia nang magkahati-hati ito. Pero ang kanilang mga hari ay hindi magiging makapangyarihan na tulad noong una.

23 “Sa mga huling araw ng kanilang paghahari, sa panahong sukdulan na ang kanilang kasamaan, maghahari ang isang malupit at tusong hari. 24 Siyaʼy magiging makapangyarihan, pero hindi tulad ng haring nauna sa kanya.[b] Magtataka ang mga tao sa gagawin niyang panlilipol, at magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya. Lilipulin niya ang mga makapangyarihang tao at ang mga hinirang na mga mamamayan ng Dios. 25 Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin ng walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Pero lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Dios.

26 “Ang pangitaing nakita mo tungkol sa pagpapatigil ng pang-umaga at panghapon[c] na paghahandog ay totoo. Pero huwag mo munang ihayag ito dahil matatagalan pa bago ito maganap.”

27 Pagkatapos noon, akong si Daniel ay nanghina at nagkasakit nang ilang araw. Nang gumaling ako, bumalik ako sa trabaho na ibinigay sa akin ng hari. Pero patuloy ko pa ring iniisip ang pangitaing iyon na hindi ko lubos na maunawaan.

Footnotes

  1. 8:14 2,300 umaga at hapon: Ang 2,300 ay maaaring ang lahat ng handog na pang-umaga at panghapon sa loob ng 1,150 araw. (Tingnan din ang Ezra 3:3 tungkol sa handog na ito.) Ang handog na panghapon ay inihahandog sa paglubog ng araw.
  2. 8:24 pero hindi … sa kanya: o, pero hindi sa pamamagitan ng sarili niyang kapangyarihan.
  3. 8:26 panghapon: nang palubog na ang araw.

公绵羊和公山羊的异象

在看见先前的异象之后,我但以理在伯沙撒王执政第三年又看见一个异象。 我在异象中看见自己在以拦省的书珊城,又看见自己站在乌莱河畔。 我举目观看,见一只长着长角的公绵羊站在河边,其中一角比另一角长,较长的角是后长出来的。 我看见这公绵羊向西方、北方和南方顶撞,没有兽能抵挡它,或逃脱它的威力。它随心所欲,狂妄自大。

我正沉思的时候,忽然从西面出现一只公山羊,穿越大地,脚不沾地。它双眼之间有一个大角。 这公山羊来到我之前看见的那只站在河边的双角公绵羊那里,愤怒地向它顶去。 我看见公山羊愤怒地顶向公绵羊,攻击它,折断了它的双角。公绵羊无力抵挡,被撞倒在地,践踏在脚下,无人能救它脱离公山羊的威力。 公山羊极其狂妄自大。但正值鼎盛之时,它的大角突然折断,在原处又长出四个奇特的角,朝着天的四方。 其中一个角又长出一个小角,向南方、东方和佳美之地[a]扩张势力。 10 它逐渐强大,高及天军,将一些天军和星宿抛到地上,用脚践踏。 11 它狂妄自大,要与天军的统帅比高,它废除日常献给祂的祭,毁坏祂的圣所。 12 因为反叛的缘故,天军和日常所献的祭都交给了它。它将真理抛在地上,它所行的无不顺利。

13 接着,我听见一位圣者在说话,另一位圣者问他:“异象中出现的有关日常所献的祭,毁灭性的反叛和践踏圣所及天军的事要持续多久呢?” 14 他对我说:“两千三百个昼夜。之后,圣所才会洁净。”

解释异象

15 我但以理看见这异象,正想明白它的意思,忽然有一个外貌像人的站在我面前。 16 我听见有人声从乌莱河两岸之间呼喊:“加百列啊,要让此人明白这异象。” 17 于是,他朝我站的地方走来,当他走来的时候,我吓得俯伏在地。他对我说:“人子啊,你要明白,这异象是关于末后的时期。” 18 他和我说话的时候,我伏在地上昏睡过去,他便轻拍我,扶我起来, 19 对我说:“我要告诉你将来上帝发烈怒时所发生的事,因为这异象是关于那定好的末后时期。 20 你看见的那只有两角的公绵羊指玛代和波斯的诸王。 21 公山羊指希腊王,在它双眼之间的大角指第一个王。 22 大角折断后,从原处长出四个角表示四个国必从这国兴起,但都不及这国强大。 23 在四国的末期,人们恶贯满盈的时候,必有一个面貌凶恶、诡计多端的王兴起。 24 他势力强大,却不是靠自己的力量。他必带来可怕的毁灭,而且凡事亨通,他必毁灭强者和圣民。 25 他利用诡计和骗术得逞,心高气傲,乘人不备突然毁灭许多人,甚至要攻击万君之君,然而他终必被击垮,但并非被人的手击垮。 26 异象中所说的两千三百个昼夜是真的。但你要保密,不可告诉别人,因为这指的是遥远的将来。”

27 我但以理精疲力尽,病了几天。后来我起来照常办理王的事务,但我对这异象感到惊奇不已,不明白它的意思。

Footnotes

  1. 8:9 佳美之地”指以色列,下同11:1641