Add parallel Print Page Options

Ipinaliwanag ni Gabriel ang panaginip ni Daniel.

15 At nangyari, nang ako, sa makatuwid baga'y akong si Daniel, ay makakita ng pangitain, na aking pinagsikapang maunawaan; at, narito, nakatayo sa harap ko ang isang kawangis ng isang tao.

16 At narinig ko ang tinig ng isang tao sa pagitan ng mga pangpang ng (A)Ulai, na tumatawag at nagsasabi, (B)Gabriel, ipaaninaw mo sa taong ito ang pangitain.

17 Sa gayo'y lumapit siya sa kinatatayuan ko; at nang siya'y lumapit, ako'y natakot at napasubasob: nguni't sinabi niya sa akin, Talastasin mo, Oh anak ng tao; sapagka't ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.

Read full chapter