Daniel 7:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin[a] ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.
19 Nang magkagayo'y ninasa kong maalaman ang katotohanan tungkol sa ikaapat na hayop, na kaiba sa lahat ng yaon, na totoong kakilakilabot, na ang mga ngipin ay bakal, at ang mga kuko ay tanso; na nananakmal, lumalamuray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi;
20 At tungkol sa sangpung sungay na nangasa kaniyang ulo, at (A)sa isa na sumibol, at sa harap niyao'y nabuwal ang tatlo, sa makatuwid baga'y yaong sungay na may mga mata, at bibig na nagsalita ng dakilang mga bagay, na ang anyo ay lalong dakila kay sa kaniyang mga kasama.
Read full chapterFootnotes
- Daniel 7:18 Mat. 25:34. Apoc. 20:4; 22:5.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978