Font Size
Daniel 7:13-15
Ang Biblia, 2001
Daniel 7:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Patuloy(A) akong nakakita sa pangitain sa gabi, at narito,
ang isang gaya ng Anak ng tao na dumarating kasama ng mga ulap.
At siya'y lumapit sa Matanda sa mga Araw,
at iniharap sa kanya.
14 Binigyan(B) siya ng kapangyarihan,
kaluwalhatian, at kaharian,
upang ang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika
ay maglingkod sa kanya.
Ang kanyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan
na hindi lilipas,
at ang kanyang kaharian
ay hindi mawawasak.
Ang Panaginip ay Ipinaliwanag
15 “Tungkol sa akin, akong si Daniel, ang aking espiritu ay nabalisa sa loob ko, at binagabag ako ng aking mga pangitain sa aking pag-iisip.
Read full chapter