Add parallel Print Page Options

21 Sinabi nga ni Daniel sa hari, (A)Oh hari, mabuhay ka magpakailan man.

22 Ang Dios ko'y nagsugo ng kaniyang anghel, (B)at (C)itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan; palibhasa'y sa harap niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan.

23 Nang magkagayo'y natuwang mainam ang hari, at ipinagutos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo'y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anomang sugat nasumpungan sa kaniya, sapagka't siya'y tumiwala sa kaniyang Dios.

Read full chapter