Add parallel Print Page Options

28 Ang Parsin[a] ay nangangahulugan na ang kaharian moʼy mahahati at ibibigay sa Media at Persia.”

29 Pagkatapos magsalita ni Daniel, iniutos ni Haring Belshazar na bihisan si Daniel ng maharlikang damit at suotan ng gintong kwintas. At ipinahayag ng hari na siya ay magiging pangatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian ng Babilonia.

30 Nang gabi ring iyon, pinatay si Belshazar na hari ng mga taga-Babilonia.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:28 Parsin: Sa tekstong Aramico, Peres. Ang Peres ay “singular” ng Parsin.
  2. 5:30 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Ito rin ang tawag sa mga taga-Babilonia.