Add parallel Print Page Options

Ang Ikalawang Panaginip ni Haring Nebucadnezar

Gumawa si Haring Nebucadnezar ng isang pahayag para sa lahat ng lahi, bansa at wika sa buong daigdig. Ganito ang isinasaad:

“Kapayapaan nawa ang sumainyo. Buong kagalakang ipinapahayag ko sa inyo ang mga kababalaghan at himala na ipinakita sa akin ng Kataas-taasang Diyos.

“Ang kanyang kababalaghan ay kamangha-mangha
    at kagila-gilalas ang mga himala!
Walang hanggan ang kanyang kaharian;
    kapangyarihan niya'y magpakailanman.

“Akong si Nebucadnezar ay panatag at masaganang namumuhay sa aking palasyo. Minsan, nagkaroon ako ng isang nakakatakot na panaginip at mga nakakasindak na pangitain habang natutulog. Kaya, ipinatawag ko ang mga tagapayo ng Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang panaginip na iyon. Dumating naman ang mga salamangkero, mga enkantador, mga astrologo at mga manghuhula. Sinabi ko sa kanila ang aking panaginip ngunit hindi nila ito maipaliwanag. Ang kahuli-hulihang nagpunta sa akin ay si Daniel na pinangalanan kong Beltesazar, ayon sa pangalan ng aking diyos sapagkat sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos. At inilahad ko sa kanya ang aking panaginip. Ang sabi ko: Beltesazar, pinuno ng mga salamangkero, alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at alam mo ang lahat ng hiwaga. Ngayo'y sasabihin ko sa iyo ang aking panaginip at ipaliwanag mo ito sa akin.

10 “Ito ang panaginip ko habang ako'y natutulog: May isang napakataas na punongkahoy na nakatanim sa gitna ng daigdig. 11 Tumaas ito hanggang sa langit kaya kitang-kita ito ng buong daigdig. 12 Madahon ang mga sanga nito at maraming bunga na maaaring kainin ng lahat. Sumisilong sa lilim nito ang mga hayop at ang mga ibon naman ay namumugad sa kanyang mga sanga. Dito kumukuha ng pagkain ang lahat ng nilalang.

13 “Nakita ko rin sa panaginip na bumababa mula sa langit ang isang anghel na nagbabantay. 14 Sumigaw siya nang malakas, ‘Ibuwal ang punongkahoy na iyan! Putulin ang mga sanga! Lagasin ang mga dahon at isabog ang mga bunga. Itaboy ang mga hayop na nakasilong dito pati ang mga ibong namumugad sa mga sanga nito. 15 Ngunit huwag gagalawin ang tuod at mga ugat nito. Tanikalaan ito ng bakal at tanso. Bayaan ito sa damuhan sa gitna ng parang. Bayaang mabasa ng hamog ang taong ito at manirahan sa parang kasama ng mga hayop at mga halaman. 16 Ang isip niya'y papalitan ng isip ng hayop sa loob ng pitong taon. 17 Ito ang hatol ng mga bantay na anghel upang malaman ng lahat na ang buong daigdig ay sakop ng Kataas-taasang Diyos. Maaari niyang gawing hari ang sinumang nais niya, kahit na ang pinakaabang tao.’

18 “Ito ang panaginip ko, Beltesazar. Ipaliwanag mo ito sa akin. Ito'y hindi naipaliwanag ng mga tagapayo ng Babilonia ngunit naniniwala akong kayang-kaya mo, sapagkat sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos.”

Ang Paliwanag ni Daniel sa Panaginip ng Hari

19 Si Daniel, na tinatawag na Beltesazar ay nabahala at hindi agad nakapagsalita. Sinabi sa kanya ng hari, “Beltesazar, huwag kang mabahala kung anuman ang kahulugan ng aking panaginip.”

Sumagot si Daniel, “Mahal na hari, sa mga kaaway nawa ninyo mangyari ang inyong panaginip. 20 Ang lumaking punongkahoy na nakita ninyo sa panaginip, tumaas hanggang langit at kitang-kita ng buong daigdig, 21 may makapal na dahon at maraming bungang makakain ng lahat, sinisilungan ng mga hayop at pinamumugaran ng mga ibon, 22 ay kayo po. Kayo ang lumakas at lumaking puno na abot sa langit na ang nasasakop ay hanggang sa magkabilang panig ng daigdig. 23 Ang bantay na inyong nakita ay isang anghel mula sa langit. Sinabi niyang ibubuwal ang punongkahoy at sisirain ngunit iiwan ang tuod nito at lalagyan ng tanikalang bakal at tanso. Sinabi pa niyang ito'y pababayaang mabasa ng hamog, at makakasama siya ng mga hayop sa parang at paparusahan sa loob ng pitong taon. 24 Ito po ang kahulugan, mahal na hari: Iyon ang hatol sa inyo ng Kataas-taasang Diyos. 25 Itataboy kayo sa parang at doon kayo maninirahang kasama ng mga hayop. Kakain kayo ng damo, tulad ng baka. Sa kaparangan kayo maninirahan at pitong taóng paparusahan hanggang sa kilalanin ninyong ang kaharian ng tao'y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos, at maibibigay niya ang kahariang ito sa sinumang kanyang naisin. 26 Ganito naman ang kahulugan ng tuod na naiwan sa lupa: Maghahari kayong muli sa sandaling kilalanin ninyo na lahat ng tao'y nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. 27 Kaya,(A) mahal na hari, dinggin po ninyo itong ipapayo ko. Tigilan na ninyo ang inyong kasamaan at magpakabuti na kayo. Huwag po kayong maging malupit sa mahihirap na mamamayan upang manatiling payapa ang inyong buhay.”

28 Lahat ng ito'y naganap sa buhay ni Haring Nebucadnezar. 29 Lumipas ang labindalawang buwan mula nang ipaliwanag ni Daniel ang panaginip. Minsan, namamasyal ang hari sa hardin sa bubong ng kanyang palasyo sa Babilonia. 30 Sinabi niya, “Talagang dakila na ang Babilonia. Ako ang nagtatag nito upang maging pangunahing lunsod at maging sagisag ng aking karangalan at kapangyarihan.”

31 Hindi pa siya natatapos sa pagsasalita nang isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Haring Nebucadnezar, pakinggan mo ito: Aalisin na sa iyo ang kaharian. 32 Ipagtatabuyan ka sa parang at doon maninirahan kasama ng mga hayop. Kakain ka ng damo tulad ng baka. Pitong taon kang mananatili sa gayong kalagayan hanggang sa kilalanin mong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos ang kaharian ng mga tao, at maaari niyang ibigay ito kaninuman niyang naisin.”

33 Nangyari agad kay Nebucadnezar ang sinabi ng tinig. Itinaboy siya sa parang at kumain ng damo, tulad ng baka. Nabasa siya ng hamog. Humaba ang buhok niya na parang balahibo ng agila, at ang kuko ay naging tila kuko ng ibon.

Patotoo ni Nebucadnezar

34 “Pagkatapos(B) ng takdang panahon, akong si Nebucadnezar ay tumingala sa langit at nanumbalik ang dati kong pag-iisip. Dahil dito, pinuri ko't pinasalamatan ang Kataas-taasang Diyos, ang nabubuhay magpakailanman.

Ang kapangyarihan niya'y walang hanggan,
    ang paghahari niya'y magpakailanman.
35 Lahat ng nananahan sa lupa ay walang halaga;
    ginagawa niya sa hukbo ng langit anumang naisin niya.
Walang maaaring mag-utos sa kanya
    ni makakatutol sa kanyang ginagawa.

36 “Nang manauli ang aking pag-iisip, nanumbalik din ang aking karangalan at kapangyarihan. Muli kong tinanggap ang aking mga tagapayo at mga tagapamahala at ako'y naging higit na dakila at makapangyarihan kaysa dati.

37 “Kaya, akong si Nebucadnezar ay nagpupuri ngayon at nagpapasalamat sa Hari ng kalangitan sapagkat lahat ng gawa at tuntunin niya ay matuwid at makatarungan; ibinabagsak niya ang mga palalo.”

王的宣告

尼布甲尼撒王向住在全地的各国、各族和说各种语言的人宣告说:“愿你们大享平安! 我乐意把至高的 神向我所行的神迹奇事宣扬出来。

他的神迹多么伟大,

他的奇事多么有力;

他的国是永远的国,

他的统治直到万代!(本章第1~3节在《马索拉文本》为3:31~33)

“我尼布甲尼撒安逸地住在家中,在宫里享受荣华富贵。(本节在《马索拉文本》为4:1) 我作了一个梦,这梦使我惧怕;我在床上所见的梦幻和我脑海中出现的异象,都使我惊惶。 我就下令把巴比伦所有的智慧人,都带到我面前来,要他们把梦的意思向我说明。 于是术士、用法术的、迦勒底人和占星家都进来;我当面把那梦告诉了他们,可是他们却不能把梦的意思向我说明。

把梦告诉但以理

“最后,那照着我神的名,称为伯提沙撒的但以理,来到我面前,他里面有圣神的灵,我就把梦告诉他: ‘术士的领袖伯提沙撒啊!因为我知道你里面有圣神的灵,没有甚么隐秘的事能难倒你;因此,你要把我梦中所见的异象和梦的意思告诉我。 10 我躺在床上时脑海中所见的异象是这样:

我看见大地中间,

有一棵树,十分高大。

11 那树渐长,而且坚强,

高达于天,

地极所有的人都看得到。

12 它的叶子美丽,果实繁多,

所有的生物都从它得到食物;

野地的走兽在它下面歇息,

空中的飞鸟栖宿在它的枝头上;

各种生物都从它得着供养。

13 “‘我躺在床上,在我脑海出现的异象中,我看见有一位守望者,就是圣者,从天上下来, 14 大声呼叫,这样说:

你们要砍下这树,削断枝子,

摇落叶子,打散果子,

把树下的走兽赶散,

把树枝上的飞鸟赶走。

15 然而,树根的余干却要留在地上,

用铁和铜的链子围住,

留在野地的青草中,

使他被天露滴湿;

使他像走兽一样在地上的草丛中得他的分。

16 使他的心改变,不再是人的心,

给他一个兽心,

使他经过七年的时期。

17 这是守望者宣告的裁决,

是圣者颁布的决定,

好使世人都知道:

至高者在世人的国中掌权,

他喜欢把国赐给谁,就赐给谁,

甚至立最卑微的人执掌国权。

18 “‘这就是我尼布甲尼撒王所作的梦。伯提沙撒啊!你要把这梦的意思告诉我,因为我国中所有的智慧人都不能把梦的意思向我说明;只有你能,因为你里面有圣神的灵。’”

但以理为王解梦

19 于是那称为伯提沙撒的但以理惊愕片时,他想到的事使他惊惶。王对他说:“伯提沙撒啊!别让这梦和梦的意思使你惊惶。”伯提沙撒回答说:“我主啊!愿这梦归给憎恨你的人,梦的意思归给你的敌人。 20 你所见的树渐长,而且坚强,高达于天,全地的人都看得到。 21 它的叶子美丽,果实繁多,所有的生物都从它得到食物;野地的走兽住在它下面,空中的飞鸟栖在它的枝头上。 22 王啊!你就是那树,越来越伟大坚强;你的威势渐长,高达于天;你的权柄直到地极。 23 王既然看见一位守望者,就是圣者,从天上下来,说:‘你们要砍下毁坏这树,树根的余干却要留在地上,用铁和铜的链子围住,留在野地的青草中,使他被天露滴湿;使他的分和野地的走兽一样,直到他经过那七年的时期。’ 24 王啊!梦的意思就是这样:这临到我主我王的事,是至高者的裁决。 25 你必被赶逐,离开人群,和野地的走兽同住;你必像牛一样吃草,被天露滴湿,要经过七年的时期;等到你承认至高者在世人的国中掌权,他喜欢把国赐给谁,就赐给谁。 26 守望者既然吩咐要留下树根的余干,所以,等到你承认上天的至高者是掌权的,你的国就必再归给你。 27 因此,王啊!请你接纳我的劝告,施行公义,断绝罪过,怜悯受欺压者,断绝罪孽,你的平安或者可以延长。”

梦境应验

28 这一切事都在尼布甲尼撒王身上实现了。 29 过了十二个月,王在巴比伦王宫的平顶上散步的时候, 30 他说:“这大巴比伦城不是我用大能大力建造作我的京都,为显我威严的荣耀吗?” 31 这话在王的口中还没有说完,就有声音从天上传下来,说:“尼布甲尼撒王啊!有话对你说:你的王权被褫夺了。 32 你必被赶逐,离开人群,和野地的走兽同住;你必像牛一样吃草,要经过七年的时期;等到你承认至高者在世人的国中掌权,他喜欢把国赐给谁,就赐给谁。” 33 这话立刻就应验在尼布甲尼撒身上;他被赶逐,离开人群,像牛一样吃草,身体被天露滴湿,直到他的头发长得像鹰毛,指甲像鸟爪。

34 “七年的日子满了,我尼布甲尼撒举目望天,我的理智恢复过来,我就称颂至高者,赞美尊崇活到永远的 神。

他的统治永无穷尽,

他的国度直到万代。

35 地上所有的居民,在他来说都是虚无;

在天上的万军中,他凭自己的意旨行事;

在地上的居民中,也是这样;

没有人能拦住他的手,

或问他说:‘你作甚么?’

36 “那时,我的理智恢复过来后,为着我国的光荣,我的威严和光辉也都恢复过来了。我的谋臣和官员仍来求见我,我的王权重新坚立,我的权势越发增加。 37 现在我尼布甲尼撒赞美、尊崇、荣耀天上的王,因为他所作的一切都正确,他所行的也都公平;行为骄傲的,他都能贬低。”

La locura de Nabucodonosor

Nabucodonosor rey, a todos los pueblos, naciones y lenguas que moran en toda la tierra: Paz os sea multiplicada. Conviene que yo declare las señales y milagros que el Dios Altísimo ha hecho conmigo. ¡Cuán grandes son sus señales, y cuán potentes sus maravillas! Su reino, reino sempiterno, y su señorío de generación en generación.

Yo Nabucodonosor estaba tranquilo en mi casa, y floreciente en mi palacio. Vi un sueño que me espantó, y tendido en cama, las imaginaciones y visiones de mi cabeza me turbaron. Por esto mandé que vinieran delante de mí todos los sabios de Babilonia, para que me mostrasen la interpretación del sueño. Y vinieron magos, astrólogos, caldeos y adivinos, y les dije el sueño, pero no me pudieron mostrar su interpretación, hasta que entró delante de mí Daniel, cuyo nombre es Beltsasar, como el nombre de mi dios, y en quien mora el espíritu de los dioses santos. Conté delante de él el sueño, diciendo: Beltsasar, jefe de los magos, ya que he entendido que hay en ti espíritu de los dioses santos, y que ningún misterio se te esconde, declárame las visiones de mi sueño que he visto, y su interpretación. 10 Estas fueron las visiones de mi cabeza mientras estaba en mi cama: Me parecía ver en medio de la tierra un árbol, cuya altura era grande. 11 Crecía este árbol, y se hacía fuerte, y su copa llegaba hasta el cielo, y se le alcanzaba a ver desde todos los confines de la tierra. 12 Su follaje era hermoso y su fruto abundante, y había en él alimento para todos. Debajo de él se ponían a la sombra las bestias del campo, y en sus ramas hacían morada las aves del cielo, y se mantenía de él toda carne.

13 Vi en las visiones de mi cabeza mientras estaba en mi cama, que he aquí un vigilante y santo descendía del cielo. 14 Y clamaba fuertemente y decía así: Derribad el árbol, y cortad sus ramas, quitadle el follaje, y dispersad su fruto; váyanse las bestias que están debajo de él, y las aves de sus ramas. 15 Mas la cepa de sus raíces dejaréis en la tierra, con atadura de hierro y de bronce entre la hierba del campo; sea mojado con el rocío del cielo, y con las bestias sea su parte entre la hierba de la tierra. 16 Su corazón de hombre sea cambiado, y le sea dado corazón de bestia, y pasen sobre él siete tiempos. 17 La sentencia es por decreto de los vigilantes, y por dicho de los santos la resolución, para que conozcan los vivientes que el Altísimo gobierna el reino de los hombres, y que a quien él quiere lo da, y constituye sobre él al más bajo de los hombres. 18 Yo el rey Nabucodonosor he visto este sueño. Tú, pues, Beltsasar, dirás la interpretación de él, porque todos los sabios de mi reino no han podido mostrarme su interpretación; mas tú puedes, porque mora en ti el espíritu de los dioses santos.

19 Entonces Daniel, cuyo nombre era Beltsasar, quedó atónito casi una hora, y sus pensamientos lo turbaban. El rey habló y dijo: Beltsasar, no te turben ni el sueño ni su interpretación. Beltsasar respondió y dijo: Señor mío, el sueño sea para tus enemigos, y su interpretación para los que mal te quieren. 20 El árbol que viste, que crecía y se hacía fuerte, y cuya copa llegaba hasta el cielo, y que se veía desde todos los confines de la tierra, 21 cuyo follaje era hermoso, y su fruto abundante, y en que había alimento para todos, debajo del cual moraban las bestias del campo, y en cuyas ramas anidaban las aves del cielo, 22 tú mismo eres, oh rey, que creciste y te hiciste fuerte, pues creció tu grandeza y ha llegado hasta el cielo, y tu dominio hasta los confines de la tierra. 23 Y en cuanto a lo que vio el rey, un vigilante y santo que descendía del cielo y decía: Cortad el árbol y destruidlo; mas la cepa de sus raíces dejaréis en la tierra, con atadura de hierro y de bronce en la hierba del campo; y sea mojado con el rocío del cielo, y con las bestias del campo sea su parte, hasta que pasen sobre él siete tiempos; 24 esta es la interpretación, oh rey, y la sentencia del Altísimo, que ha venido sobre mi señor el rey: 25 Que te echarán de entre los hombres, y con las bestias del campo será tu morada, y con hierba del campo te apacentarán como a los bueyes, y con el rocío del cielo serás bañado; y siete tiempos pasarán sobre ti, hasta que conozcas que el Altísimo tiene dominio en el reino de los hombres, y que lo da a quien él quiere. 26 Y en cuanto a la orden de dejar en la tierra la cepa de las raíces del mismo árbol, significa que tu reino te quedará firme, luego que reconozcas que el cielo gobierna. 27 Por tanto, oh rey, acepta mi consejo: tus pecados redime con justicia, y tus iniquidades haciendo misericordias para con los oprimidos, pues tal vez será eso una prolongación de tu tranquilidad.

28 Todo esto vino sobre el rey Nabucodonosor. 29 Al cabo de doce meses, paseando en el palacio real de Babilonia, 30 habló el rey y dijo: ¿No es esta la gran Babilonia que yo edifiqué para casa real con la fuerza de mi poder, y para gloria de mi majestad? 31 Aún estaba la palabra en la boca del rey, cuando vino una voz del cielo: A ti se te dice, rey Nabucodonosor: El reino ha sido quitado de ti; 32 y de entre los hombres te arrojarán, y con las bestias del campo será tu habitación, y como a los bueyes te apacentarán; y siete tiempos pasarán sobre ti, hasta que reconozcas que el Altísimo tiene el dominio en el reino de los hombres, y lo da a quien él quiere. 33 En la misma hora se cumplió la palabra sobre Nabucodonosor, y fue echado de entre los hombres; y comía hierba como los bueyes, y su cuerpo se mojaba con el rocío del cielo, hasta que su pelo creció como plumas de águila, y sus uñas como las de las aves.

34 Mas al fin del tiempo yo Nabucodonosor alcé mis ojos al cielo, y mi razón me fue devuelta; y bendije al Altísimo, y alabé y glorifiqué al que vive para siempre, cuyo dominio es sempiterno, y su reino por todas las edades. 35 Todos los habitantes de la tierra son considerados como nada; y él hace según su voluntad en el ejército del cielo, y en los habitantes de la tierra, y no hay quien detenga su mano, y le diga: ¿Qué haces? 36 En el mismo tiempo mi razón me fue devuelta, y la majestad de mi reino, mi dignidad y mi grandeza volvieron a mí, y mis gobernadores y mis consejeros me buscaron; y fui restablecido en mi reino, y mayor grandeza me fue añadida. 37 Ahora yo Nabucodonosor alabo, engrandezco y glorifico al Rey del cielo, porque todas sus obras son verdaderas, y sus caminos justos; y él puede humillar a los que andan con soberbia.