Daniel 4:23
Ang Biblia (1978)
23 At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;
Read full chapter
Deuteronomio 33:2-3
Ang Biblia (1978)
2 At kaniyang sinabi,
(A)Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai,
At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila;
Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran,
At siya'y nanggaling sa (B)laksa-laksa ng mga banal:
Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
3 Oo't (C)kaniyang iniibig ang bayan:
Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay:
At sila'y (D)umupo sa iyong paanan;
Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
Daniel 8:13
Ang Biblia (1978)
13 Nang magkagayo'y narinig ko ang (A)isang banal na nagsalita; at ibang banal ay nagsabi sa isang yaon na nagsalita, Hanggang kailan magtatagal ang pangitain tungkol sa palaging handog na susunugin, at ang pagsalangsang na sumisira, upang magbigay ng santuario at ng hukbo upang mayapakan ng paa?
Read full chapter
Zacarias 14:5
Ang Biblia (1978)
5 At kayo'y magsisitakas sa libis ng aking mga bundok; sapagka't ang libis ng mga bundok ay magsisiabot hanggang sa Azel; oo, kayo'y magsisitakas gaya nang kayo'y tumakas (A)mula sa lindol nang mga kaarawan ni Uzzias na hari sa Juda; at ang Panginoon kong Dios ay darating, at ang lahat na banal (B)na kasama niya.
Read full chapter
Judas 14
Ang Biblia (1978)
14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na (A)ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga (B)laksalaksang banal,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978