Add parallel Print Page Options

12 Ang mga dahon niyao'y magaganda, at ang bunga niyao'y marami, at pagkain sa lahat; (A)ang mga hayop sa parang ay may lihim sa ilalim niyaon, at ang mga ibon sa himpapawid ay nagsisitahan sa mga sanga niyaon, at ang lahat na laman ay nangabubusog doon.

13 May nakita ako sa mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, at, narito, (B)isang bantay at isang (C)banal ay bumaba mula sa langit.

14 Siya'y sumigaw ng malakas, at nagsabi ng ganito, (D)Ibuwal ang kahoy, at putulin ang mga sanga niyan, lagasin ang mga dahon niyan, at isambulat ang mga bunga niyan: paalisin ang mga hayop sa ilalim niyan, at ang mga ibon sa mga sanga niyan.

Read full chapter